PBBM, nakasubaybay sa pagpasok ng P3.48-T investment pledges- BOI exec
- Published on April 18, 2023
- by @peoplesbalita
HANDS-ON si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mahigit na P3.48 trillion investment pledges para sa Maynila na na-secure sa kanyang foreign trips.
Hangad ng Pangulo na magma-materialize at makalilikha ng hanapbuhay “as soon as possible”.
Sa ginanap na Saturday News Forum sa Quezon City, sinabi ni Board of Investments (BOI) Executive Director for Investments Promotion Services Evariste Cagatan na mahigpit na naka-monitor ang Pangulo para makapagbigay ng tulong upang “fast-track” ang pagpasok ng mga investors sa bansa.
“Investment leads pa lang iyan so marami pang kailangang gawin para tuluyang matuloy ‘yong mga pledges,” ayon kay Cagatan.
“Ang pangulo talagang binabantayan niya ‘yong pledges na ito na binigay sa kanya. So tinitingnan namin kung ano ‘yong mga balakid bakit hindi kaagad makapasok,” dagdag na wika.
Ang mga hamon aniya ay “range from securing permits to the need for vast tracts of land and hiring employees with the right set of skills for their businesses.”
“The Philippines has so far secured USD62 billion or approximately PHP3.48 trillion in investment pledges since Marcos’ first official foreign travel in 2022,” ayon sa ulat.
“Most of these, for example, the US trip, marami nang pumasok at na-register na natin sa BOI at PEZA (Philippine Economic Zone Authority),” ayon kay Cagatan.
“But you must understand na ‘yong investment kapag ginawa ‘yong pledge ngayon, not necessarily bukas nandiyan na siya. Medyo mahaba ‘yong gestation,” dagdag na wika nito sabay sabing “while monitoring these pledges, the government also continues to attract local and foreign investors by positioning the country as an ideal destination to achieve their Environmental, Social and Governance (ESG) goals.”
“(I)yong mga investors ngayon, hinahanap nila kung saan sila puwedeng mag-invest wherein masasagot nila iyong kanilang ESG goals. So iyon ‘yong offer ng Philippines na kung dito sila maglo-locate,” aniya pa rin.
Sa BOI lang, ang investment approvals mula Enero hanggang Marso ay umabot na sa P463.3 billion, tumaas ng 155% mula sa P181.7 bilyon na nakatala sa kahalintulad ng nakaraang taon.
Sinabi ni Cagatan na ang malaking bahagi ng investments ay nasa renewables.
“(This) is 40 percent of our original target for approval for the year that is PHP1 trillion. And because we are already at that level, our target this year climbed to PHP1.5 trillion,” aniya pa rin. (Daris Jose)
-
NAVOTEÑOS HINIKAYAT NA MAGPABAKUNA
NANAWAGAN si Mayor Toby Tiangco at Congressman John Rey Tiangco sa kanilang kababayan Navoteños na huwag palampasin ang pagkakataon magpabakuna ng Moderna at Pfizers vaccines na mayroon ang Pamahalaang Lungsod ngayon. Ito’y matapos makarating sa kanila na sa 3,000 slots ng Moderna vaccine na nakalaan ay 948 lamang ang dumating para magpabakuna. […]
-
RICHARD YAP, excited nang magtrabaho sa Kapuso network
It seems handang-handa na si bagong Kapuso actor Richard Yap sa pagtatrabaho para sa kanyang first ever Kapuso show. First time ni Richard na gaganap sa isang guest role sa well-loved comedy anthology na “Dear Uge.” Inamin ni Richard na ngayong nakapirma na siya ng exclusive contract sa GMA -7, he is grateful na […]
-
Walang dapat ikabahala ang mga PhilHealth employees sa ‘abolition threat’ ni Duterte – Palasyo
PINAWI ng Malacañang ang pangamba ng mga kawani ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) kaugnay sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na planong pagbuwag sa health insurer kung hindi matuldukan ang korupsyon doon. Sinabi ni Presidential Spokes- man Harry Roque, kilala naman ni Pangulong Duterte kung sino ang mga bulok sa tanggapan at […]