• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Austria, bukas para mag-hire ng 200,000 Filipino sa darating na taon

LOOKING forward ang Austrian government na tumanggap ng mas maraming Filipino worker,  dahil sa  mahigit sa 200,000 job openings ang magiging available sa mga darating na taon.

 

 

Sa isang joint statement ng  Department of Migrant Workers at  Austrian Delegation on the Hiring of Filipino Workers for Austria, kailangan ng bansa  ng  75,000 healthcare workers mula sa 60,000  na may karagdagang 200,000 job openings sa lahat ng industriya.

 

 

“Our partnership with the Philippine government through the DMW will create a win-win situation, providing employment opportunities for skilled Filipino workers while contributing to the growth of Austria’s economy,” ayon kay Austrian Ambassador to the Philippines Johann Brieger.

 

 

Samantala, sinabi ni DMW Secretary Susan Ople na kailangang lagdaan ang isang memorandum of agreement kasama ang  Austrian government sa planong mag-hire ng mga Filipino worker.

 

 

“Upon the advice of the Department of Foreign Affairs, we would need to sign a Memorandum of Understanding to set the tone and define the parameters of our partnership with the Austrian Federal Economic Chamber and the Federal State of Vienna,” ani Ople.

 

 

Ayon kay Ople, ang Pilipinas at Austria ay kapuwa nabibilang sa  Tier 1 category sa US State Department’s Trafficking in Persons Report, nangangahulugan na mayroon ang mga ito ng sapat na mekanismo at batas para mapigilan ang  human trafficking.

 

 

Makikita naman sa data ng DMW na mayroong 5,824 overseas Filipino workers sa Austria, kung saan 1,220 sa mga ito ay nagtatrabaho sa “hospitality at food service sector, at 749  sa health at social work service. (Daris Jose)

Other News
  • Gilas ‘Pinas ni Dickel, ‘di mababalasa – SBP

    MAAARING ang komposisyon ng Gilas Pilipinas na naglaro kontra Indonesia ang gagamitin din ng Samahang Basketbol ng Pilipinas kapag natuloy na ang na-postpone na game kontra Thailand.   Itataguyod dapat ng mga Pinoy ang Thais sa Araneta Coliseum noong Pebrero 20 sa first window ng 2021 FIBA (International Basketball Federation) Asia Cup. Pero kinansela ng […]

  • DSWD, nagbukas ng e-payment bilang alternative mode para tumanggap ng cash donation

    TUMATANGGAP na ngayon ang  Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng payments at donasyon sa pamamagitan ng  LANDBANK Link.BizPortal, isang  e-payment facility na pinapayagan ang mga kliyente at partners ng DSWD na makapag- transact ng  business at/o bayaran ang kanilang  monetary obligations via online mode.     Sinabi ni DSWD Secretary Erwin T. Tulfo […]

  • 800 pamilya nasunugan sa Maynila, inayudahan

    UMAABOT sa 800 pamilya na nabiktima ng sunog kamakailan ang tumanggap ng tulong pinansiyal mula sa Manila City Government.     Mismong si Manila Mayor Honey Lacuna ang nanguna sa pamamahagi ng tig-P10,000 cash aid, kasama si Re Fugoso, na siyang pinuno ng Manila Department of Social Welfare (MDSW).     Ayon kay Lacuna, bagamat […]