Teves, hari-harian sa Negros Oriental – Mayor Degamo
- Published on April 20, 2023
- by @peoplesbalita
INILAHAD ni Pamplona Mayor Janice Degamo ang ginagawang paghahari-harian ni suspended Cong. Arnolfo Teves Jr., at kanyang mga kaanak sa kanilang lalawigan sa Negros Oriental.
Sa pagdinig ng Senado patungkol sa pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo, direktang itinuturo ni Mayor Degamo si Teves na may kinalaman sa mga nangyayaring patayan sa kanilang probinsya
Ipinakita ni Mayor Degamo ang listahan ng 49 na mga biktima ng pagpatay sa Negros Oriental mula 2007 at ang mga kasong ito ay konektado dahil lumalabas sa ilang mga kaso na pareho ang suspek sa pagpaslang patunay na may private armed groups ang mga Teves.
Bukod dito, kinatatakutan din ang pamilya sa kanilang lugar dahil kapag ang mga Teves ang kalaban at inireklamo walang abogadong gustong tumanggap sa kaso at minsan pa aniya ang piskalya pa ang magrerekomenda na huwag nang ituloy ang reklamo.
Maging ang Department of Agrarian Reform (DAR), Department of Environment of Natural Resources (DENR) at Commission on Elections (COMELEC) sa kanilang lalawigan ay takot din sa mga Teves dahil sa pangamba na baka raw sila ay mapatay.
Ibinahagi rin ni Mayor Degamo ang impormasyon na tuloy pa rin ang iligal na e-sabong sa kanilang probinsya na minamanduhan ng anak ng kongresista na si Kurt Matthew Teves at may proteksyon mula kay dating Gov. Pryde Henry Teves.
Itinanggi naman ni dating. Gov. Pryde Teves ang akusasyon ng Alkalde at sinabi rin nitong nakapagsumite na siya ng waiver sa Department of Justice (DOJ) para masilip ang kanyang bank accounts upang patunayan na wala siyang iligal na aktibidad. (Daris Jose)
-
Ads January 11, 2021
-
10 drug personalities natimbog sa Caloocan
Sampung hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang apat na babae ang nasakote ng pulisya sa magkahiwalay na drug opereation sa Caloocan City. Sa report ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr. kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Nelson Bondoc, dakong 12:40 ng madaling araw nang magsagawa ng buy bust operation […]
-
Murder suspect sa Navotas, arestado
Makaraan ang 12 taong pagtatago, naaresto na ng mga awtoridad ang isang murder suspect sa Navotas city, kamakalawa ng hapon. Ayon kay Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas, ang pagkakaaresto sa suspek na si Arturo Igana Jr., 28, mangingisda ng Blk 1 Lot 1 Ignacio St. Bacog, Brgy. Daanghari, na tinauriang No. 6 […]