• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Number coding suspendido sa Biyernes

INANUNSIYO ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang suspensyon ng number coding sa darating na Biyernes, dahil sa obserbasyon sa Eid’l Fitr o Piyesta ng Ramadan.

 

 

Ito ay bilang pagsunod sa inilabas na Proclamation No. 201 ng Malacañang na nagdedeklara sa Abril 21 bilang regular holiday dahil sa Ramadan.

 

 

Naglabas na rin ng Facebook post sa kanilang page ang MMDA para sa pansamantalang suspensyon ng number coding scheme upang gabayan ang mga motorista.

 

 

Dahil dito, para sa mga may plano na magbakasyon sa darating na bagong long weekend, pinayuhan ng MMDA ang mga motorista na planu­hing mabuti ang kanilang biyahe at maging maingat sa pagmamaneho para makaiwas sa aksidente.

 

 

Ang Eid’l Fitr ang hudyat ng pagtatapos ng isang buwang pag-aayuno dahil sa Ramadan na isinasagawa ng lahat ng Muslim sa buong mundo.

Other News
  • Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian at AFP chief Centino, nagpulong kasunod ng laser incident sa Ayungin Shoal

    NAGPULONG sina Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian at Armed Forces of the Philippines (AFP) chief General Andres Centino kasunod ng kamakailan lang na isyu sa bahagi ng Ayungin Shoal kung saan tinutukan ng Chinese Coast Guard ng military grade laser light ang Philippine Coast Guard.     Ito ay matapos ang isinagawang courtesy […]

  • To celebrate her 40th anniversary: Queen of Pop na si MADONNA, isiniwalat na may 35-city tour

    MALAKI ang pinagbago ni Lexi Gonzales ngayon mula sa kanyang pagkilos at pag-aayos ngayon. Malayung-malayo sa Lexi na neneng-nene pa noong sumali ito sa ‘StarStruck’ noong 2019. Ang pakikipagrelasyon daw ni Lexi kay Gil Cuerva ang dahilan kung bakit mabilis itong nag-mature. Pero sinabi ni Gil na noong nakilala raw niya si Lexi ay mature […]

  • Transportasyon sa NCR mananatiling 50% capacity kahit ECQ

    Mananatiling 50% capacity ang mga transportasyon sa land, air at sea sa loob ng dalawang (2) linggong may enhanced community quarantine (ECQ) sa kalakhang Metro Manila simula ngayon hanggang August 20.     Pinayagan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang rekomendasyon ng Department of Transportation (DOTr) na panatilihin […]