• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mag-utol na HVI, 1 pa isinelda sa P500K shabu sa Caloocan

NASAMSAM ng pulisya ang mahigit kalahating milyong peso halaga ng shabu sa tatlong tulak ng illegal na droga, kabilang ang magkapatid na listed bilang high value individual (HVI) na naaresto sa magkahiwalay na buy bust operations sa Caloocan City.

 

 

Sa ulat ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief P/Maj. Dennis Odtuhan kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Ponce Rogelio Peñones Jr, ala-1:40 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng DDEU sa pangunguna ni PSMS Michael Tagubilin ang buy bust operation sa NHC-LD Road, Brgy. 186.

 

 

Kaagad sinunggaban ng mga operatiba ang magkapatid na Ronald Alinapon alyas “Dudong”, 45, at Rey Manuel Alinapon alyas “Tata”, 40, kapwa ng Domato Avenue, Cor. King David St., Phase 12, Brgy. 188, matapos bentahan ng P7,500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

 

 

Nakuha sa mga suspek ang humigi’t kumulang 60 grams ng hinihinalang shabu na may satandard drug price value na P408,000.00 at buy bust money na isang tunay na P500 at P7-pirasong P1,000 boodle money.

 

 

Nauna rito, natimbog din ng mga operatiba ng DDEU sa buy bust operation sa 105 BMBA Compound, 3rd Avenue, Brgy. 118, dakong ala-1:30 ng hapon ang 18-anyos na si John Michael Paguia alyas “Nognog”.

 

 

Nakumpiska sa kanya ang nasa 15 grams ng hinihinalang shabu na may SDP value na P102,000.00 at buy bust money na kinabibilangan ng isang tunay na P500 bill at pitong pirasong P1,000 boodle money.

 

 

Pinuri naman ni BGen Peñones ang DDEU sa kanilang matagumpay na drug operation na nagresulta sa pagkakadakip sa tatlong notoryus umanong drug pushers na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • PNP OIC Lt Gen. Eleazar na close contact ni PNP Chief Sinas, negatibo sa Covid-19 virus

    Negatibo sa Covid-19 virus si PNP OIC PLt. Gen. Guillermo Eleazar, matapos sumailalim sa RT-PCR test.     Ayon kay Eleazar, bilang close contact ni PNP Chief PGen. Debold Sinas, na unang nag-positibo sa Covid 19, nagpasuri din siya kahapon at ngayong umaga lumabas ang resulta.     Huling nakasama ni Eleazar si PNP Chief […]

  • TWG, babalangkas ng mga panukala na magpapalakas sa magna carta of small farmers

    Tinakalay ng House Committee on Agriculture and Food ang dalawang panukala na naglalayong palakasin ang Republic Act 7607 o ang Magna Carta of Small Farmers.   Ang House Bill 1007 ay mag-aamyenda sa Seksyon 27, Kapitulo VIII ng  RA 7606, na magpapataw ng mas mabigat na parusa sa sinumang opisyal o kawani ng National Food […]

  • Walang “favoritism” sa distribusyon ng Covid-19 vaccine

    WALANG “favoritism” sa distribusyon ng COVID-19 vaccines sa iba’t ibang panig ng bansa.   Ito ang tugon ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa sinabi ni dating Health secretary at ngayon ay Iloilo Representative Janette Garin, na mayroong “palakasan” o patronage system sa pamamahagi ng COVID-19 vaccines.   “Dini-distribute natin ang ating mga vaccine […]