• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P4 BILYON NA DROGA, SINUNOG SA CAVITE

TINATAYANG mahigit sa P4 bilyon halaga ng hinihinalang droga ang sinunog sa Integrated Waste Management Inc. (IWMI) sa Brgy Aguado, Trece Martires City Huwebes  ng umaga . 

 

 

Ang naturang mga droga ay kabilang sa mga iba’t-ibang drug evidence na nakumpiska mula sa mga drug operations na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at kanilang mga counterparts na law enforcement at military units.

 

 

Sinira sa pamamagitan ng thermal decomposition ang kabuuang 700 kilograms na nagkakahalaga ng P4,154, 802,996.83 bilyon kabilang ang 601,447,0994 gramo ng Methamphetamine Hydrochloride o shabu na nagkakahalaga ng P4,089,840.92; 110,694,1323 gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng P13,283,295.88; 6,2800 gramo ng Cocaine na nagkakahalaga ng P33,284.00; 12,974.999 gramo ng MDMA o Ecstasy na nagkakahalaga ng P51,534,890.70; 32,5200 gramo ng Meth +Ephedrine na nagkakahalaga ng P111,218.40; 343,4410 gramo ng Codeine; 0.0200 gramo ng Ephedrine na nagkakahalaga ng P6.91; 0.3500 gramo ng  Phentermine na nagkakahalaga ng P25.03 at 177.500 milliliters na Liquid Marijuana.

 

 

Ang Thermal Decomposition, o thermolysis, ang isang proseso kung saan sinusunog ang mga ito na may 1,000 degrees centigrade na init nito.

 

 

Ang pagsira sa mga iba’t ibang droga ay pagsunod sa ipinapatupad na panuntunan sa kustodiya at pagtatapon sa mga nakumpiskang mga droga na nakasaad sa Section 21, Article II of Republic Act 9165, o ang  Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, and Dangerous Drugs Board Regulation No. 1, Series of 2002.

 

 

Ang pagsunog ay dinaluhan ng mga representatives mula sa Department of Justice (DOJ); Department of Interior and Local Government (DILG); mga Local Officias mula sa  Brgy Agudo, Trece Martires City, Philippine National Police (PNP) at iba pang Law Enforcement Agencies  at non-government organization (NGO) at ilang mga kapatid sa pamamahayag. GENE ADSUARA

Other News
  • Manang-mana sa husay ng ama na si Richard: JULIANA, muling nakasungkit ng gold medal sa ‘West Java Fencing Challenge 2022’

    HINDI mamumunga ng bayabas ang santol, kaya hindi katakataka kung si Juliana Gomez ay mahusay sa sports na fencing dahil ang ama niyang aktor at Leyte 4th District Congressman na si Richard Gomez (na kilala rin sa bansag na Goma) ay gumawa ng sarili nitong pangalan sa kaparehong sports event noong kabataan niya.     […]

  • Smoke emission test kailangan pa rin sa LTO

    Nilinaw ng Malacanang na kailangan pa rin ang smoke emission test kahit na hindi na mandatory ang Motor Vehicle Inspection System (MVIS) sa pagrerehistro at renewal ng sasakyan sa Land Transportation Office (LTO).     “We have just a clarification. While the President said that motor vehicle inspection must be suspended, there is still a […]

  • Dingdong, pinangunahan ang panawagan para makaipon ng donasyon

    AGAD na nagtulong-tulong ang mga bumubuo ng AKTOR para makaipon ng donasyon para sa mga biktima ng Bagyong Ulysses.   Ang AKTOR ay samahan ng mga Pilipinong aktor, sa pangunguna ng tapagtaguyod nitong si Dingdong Dantes. Sa pamamagitan ng social media, nanawagan ang grupo ng tulong sa publiko.   “Kapit-bisig nating tulungan ang mga nasalanta […]