• June 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dingdong, pinangunahan ang panawagan para makaipon ng donasyon

AGAD na nagtulong-tulong ang mga bumubuo ng AKTOR para makaipon ng donasyon para sa mga biktima ng Bagyong Ulysses.

 

Ang AKTOR ay samahan ng mga Pilipinong aktor, sa pangunguna ng tapagtaguyod nitong si Dingdong Dantes. Sa pamamagitan ng social media, nanawagan ang grupo ng tulong sa publiko.

 

“Kapit-bisig nating tulungan ang mga nasalanta ng Bagyong Ulysses. Humihingi ang AktorPH ng tulong na abot sa kakayanan n’yo, malaking tulong ang anumang halaga o ang mga sumusunod: Damit, kumot, tuwalya, vitamin C, tubig, bigas, de lata,” panawagan ni Dingdong.

 

Maaaring daw dalhin sa TAuMBAYAN, 40 T. Gener cor K1st, Barangay Sacred Heart, Kamuning, Quezon City ang mga donasyon.

 

Katuwang ng AKTOR ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), Andrew’s Fund PH, at YesPinoy Foundation sa naturang relief operation.

 

*****

 

NAGPASALAMAT ang Kapuso comedienne na si Chariz Solomon sa lahat ng frontliners na naka-duty kahit nanalasa ang Bagyong Ulysses.

 

Sa Instagram post ng Bubble Gang star, nagpasalamat siya sa security guards at maintenance personnel sa kanilang village, na tuluy-tuloy ang trabaho kahit masama ang panahon.

 

“Grabe yung mga night shift guards and maintenance namin dito sa village kagabi. Nagliliparan mga gamit kagabi sa labas, at nagbabagsakan mga puno pero nasa labas sila natanggal nila in no time yang mga puno na bumagsak at humarang sa kalsada (tinalian na yan ng maayos prior bumagsak parin)”

 

“Tapos mas inuna pa nila irelocate mga sasakyan namin sa safe parking spots kaysa sa safety nila. Salamat sa mga security and maintenance namin na sobrang maaasahan talaga.”

 

Kaya nagpaalala si Chariz sa marami na suklian ang kabayanihan ng frontliner na nagbibigay serbisyo sa gitna ng isang bagyo.

 

Post pa niya: “Guys kung meron kayong superhero story kagaya nila manong guards namin, bawi tayo sa kanila. Alam kong trabaho nila ito pero aminin natin, it takes a really good person to brave a storm like that for other people na ni hindi mo kaano-ano. Kindness above all talaga. Thank God for them!”

 

*****

 

KILALANG animal welfare advocate ang Kapuso star na si Carla Abellana kaya naman ikinalungkot niya ang sinapit ng ilang mga hayop sa nagdaang hagupit ng Typhoon Ulysses sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.

 

“Lord, please bless all the animals affected by Ulysses too. They are helpless. I cannot imagine the amount of fear and suffering, especially for in their cages or left behind tied up with a chain or leash. How will they survive the cold rain and the floothose who were left locked indoors, left trapped ding?”

 

Dagdag pa ni Carla, kung pupuwede lang daw sana ay siya na mismo ang tutulong: “I desperately want to be out there to help. Just like during the Taal eruption early this year. But I can’t this time and I’m having the same kind of anxiety again for the animals. Please send persons to help, them, Lord.”

 

Kasalukuyang nasa lock-in taping si Carla kasama ang iba pang co-stars niya para sa primetime series na Love of My Life. (RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • New look ni SARAH na naka-pixie cut, nag-viral sa social media; second time pa lang nagpagupit ng maiksi

    NAG-VIRAL sa social media ang new look ni Sarah Geronimo.     Naka-pixie cut si Sarah at kinumpirma ng kanyang hair stylist na si RJ dela Cruz na hindi iyon wig kundi buhok talaga ng misis ni Matteo Guidicelli.     Unang nakita ang short hairstyle ni Sarah sa 5th anniversary virtual event ng Landers […]

  • Sylvia, nagpasalamat at nangakong mamahalin na parang anak: ARJO at MAINE, nambulabog sa pasabog na engagement sa memorable na ‘July 28’

    NAMBULABOG sina Cong. Arjo Atayde at Maine Mendoza noong July 28, ang date na napaka-memorable sa kanilang dalawa.   “Wait, whaaaat??? Were engaged?!”, bulalas ni Maine sa kanyang IG post, kasama ang series of sweet photos nila ni Arjo, na kung saan pinagsisigawan ng kanyang daliri ang bonggang ‘engagement ring’ na binigay ng kanyang soon-to-be […]

  • Grupo ng mga PUJ, magbabawas ng biyahe at designated stops’

    DAHIL  na rin umano sa nagbabadya na namang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa ika-11 sunod-sunod na linggo, mapipilitan na raw ang mga driver ng public utility jeepneys (PUJs) na magbawas ng kanilang mga biyahe.     Ito ay para makatipid sa pera at krudo.     Sinabi ni 1-UTAK chair Atty. Vigor […]