• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kelot dinampot sa baril at pagbabanta sa kapitbahay sa Malabon

SHOOT sa selda ang isang lalaki matapos tutukan ng baril at pagbantaan ang isa sa grupo ng magkakamag-anak na nag-iinuman at nagkakantahan sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Sa ulat, masayang nag-iinuman at nagkakantahan ang magkakamag-anak na pawang residente ng 94 F. Flovi 6, Brgy. Tonsuya nang puntahan sila ng matandang lalaking kapitbahay dakong alas-12:53 ng madaling araw at pinagsabihang tumigil na sa pagkanta dahil nakakabulahaw na sila sa mga natutulog.

 

 

Bilang paggalang, tumigil na sa pagkanta ang magkaka-anak subalit ilang saglit lang ay sumugod ang anak ng matandang kapitbahay na nakilalang si Ryan Obado, 39, na armado ng kalibre. 22 na baril at tinutukan ang biktimang si Jogie Mabasa, 27, kasabay ng pagsigaw ng katagang “Anong oras na, tumigil na kayo marami ng natutulog,”

 

 

Nang makatiyempo si Mabasa, nakipag-agawan na siya sa hawak na baril ng suspek at dito na tumulong ang pamangkin ng biktima na si Junriel Navea hanggang makuha ng huli ang armas.

 

 

Nang dumating ang mga nagrespondeng mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 5, inaresto nila ang suspek habang isinuko naman ni Navea ang naagaw na baril na may kargang limang bala.

 

 

Ayon kina police investigators PSSg Bengie Nalogoc at PCpl Marlon Renz Baniqued, kasong Grave Threat at paglabag sa R. A. 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition ang isasampa nila laban sa suspek sa Malabon City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Other News
  • 10 sugatan matapos araruhin ng SUV sa Parañaque City

    SUGATAN ang sampung katao matapos silang araruhin ng isang SUV sa bahagi ng Baclaran Church sa Parañaque City noong Pebrero 12 , Miyerkoles.   Nangyari ang aksidente bago mag alas 10:00 ng gabi kung saan marami pang tao sa bahagi ng Baclaran dahil araw ng Miyerkules.   Ayon kay Major Jolly Santos ng Parañaque Police […]

  • Bakit naka uniform si Fajardo pero hindi naglaro sa SMB vs Magnolia?

    JUNE Mar Fajardo ay naghahanap na maglaro sa susunod na laro ng San Miguel sa PBA Commissioner’s Cup habang naghihintay ng clearance mula sa mga doktor.   Sa wakas ay nagpakita ng uniporme ang six-time.MVP noong Miyerkules, ngunit hindi pinasok ni coach Leo Austria sa 85-80 pagkatalo sa Magnolia noong Miyerkules ng gabi sa Smart […]

  • Ayo malabo sa Letran

    KINONTRA kaagad ni Colegio De San Juan de Letran men’s basketball team coach coach Bonnie Tan ang mga naglalabasang ulat na papalitan siya kahit binigyan niya ng korona ang Knights noong isang taon sa gitnaan ng kontrobersiya sa University of Santo Tomas.   “May kulang yata sa tweet, nakikipag-swap ng position lang naman,” bulalas ni […]