• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dating Mayor ng Antique, itinalaga bilang bagong pinuno ng SBMA

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating Antique Mayor Jonathan Dioso Tan bilang  Administrator and Chairman ng Subic Bay Metropolitan Authority na may termino na anim na taon.

 

 

Pinalitan ni Tan si Rolen C. Paulino.

 

 

Ang appointment letter ni Tan na pirmado ng Pangulo ay may petsang Abril 28, 2023.

 

 

“By virtue hereof, you may qualify and perform the duties of the office, furnishing the Office of the President and the Civil Service Commission with copies of your Oath of Office,” ang nakasaad sa nasabing appointment letter na tinintahan ng Pangulo.

 

 

Sa ulat, nagbitiw sa puwesto si Paulino, ang chairman at administrator ng SBMA sa harap ng mga empleyado sa lowering of flag noong Marso 31, 2023, araw ng Biyernes.

 

 

Nagsumite si Paulino ng kaniyang courtesy resignation epektibo sa Abril 15, 2023 kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ilang araw matapos ang inilatag na State of the Freeport Address (SOFA) kung saan pinasalamatan niyang lahat ang mga dumalo.

 

 

Sa SOFA, una niyang pinasalamatan ang mga empleyado at mga opisyal ng SBMA, mga stakeholder, mga local government unit officials ng mga lugar na nakasasakop sa Subic Bay Freeport tulad ng Zambales, Olongapo City at Bataan.

 

 

Iniisa-isa nito ang lahat ng kanyang mga accomplishment sa loob ng maikling panahon, kung saan ang kanyang termino aniya ay natapat sa panahon ng pandemya pero nagawa aniya nang maayos at epektibo ang kanyang tungkulin.

 

 

Ayon kay Paulino, ang kaniyang termino ay 6 na taon base sa kaniyang appointment mula sa dating Pangulong Rodrigo Duterte, pero naghain siya ng courtesy resignation upang mabigyang-laya si Marcos na pumili ng bagong SBMA chairman and administrator. (Daris Jose)

Other News
  • Naghatid si Kianna Dy sa ikatlong sunod na panalo ng F2 Logistics

    Walang iniwang hamon na hindi sinagot si Kianna Dy nang ibigay ng F2 Logistics ang Creamline sa unang pagkatalo nito sa Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference noong Martes, Nob. 8, sa Smart Araneta Coliseum.   Ang 5-foot-10 Dy ay naghatid ng 18 puntos na binuo sa 10 pag-atake, anim na block at dalawang ace […]

  • Bilang dating UP Professor: Sec.Roque, binigyan ng 1.5 grado ang administrasyong Duterte

    BINIGYAN ni Presidential Spokesperson Harry Roque, dating professor ng UP College of Law ang administrasyong Duterte ng gradong 1.5 “on a scale of one to five” kung saan 1 o uno ang pinakamataas.   Ang gobyernong Duterte ay mayroon na lamang 15 buwan bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.   “Karamihan po […]

  • Tricycle drivers sa Malabon at Navotas, balik-operasyon

    Balik-operasyon na ang mga tricycle drivers sa lungsod ng Malabon at Navotas matapos pagbawalan noon dahil sa COVID-19 pandemic.     Ito’y matapos inanunsyo ni Malabon Rep. Jaye Lacson-Noel na pinirmahan na ang memorandum of agreement (MOA) sa pagitan nina Navotas Mayor Toby Tiangco at Malabon Mayor Lenlen Oreta na nagpapahintulot sa balik-operasyon ng mga […]