• December 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P50 milyon inilaan ng Kamara sa COVID-19 vaccine

Naglaan ang Kamara ng P50 million mula sa kanilang internal funds para sa COVID-19 vaccination ng kanilang empleyado,  House media at lima sa pamilya ng mga ito sa oras na maging available na ang bakuna sa Pilipinas.

 

Mismong si Speaker Lord Allan Velasco ang nag-anunsyo nito sa isang media forum.

 

Gayunman, sinabi ni Velasco na hindi muna makakasama sa libreng bakuna ang mga congressmen at maging ang mga partylist.

 

“We’ll start to get the vaccines first for the employees and the media and their families. If there are supplies left then that’s the time we use them for the House members and also 5 of the immediate members of their family,” ayon kay Velasco.

 

Sinabi pa ng Speaker na ang COVID vaccine ay magmumula alinman sa Chinese pharmaceutical company na Sinovac o British firm na AstraZe­neca  na depende kung alin ang magiging avai­lable na sa merkado ng bansa sa unang bahagi ng 2021. (ARA ROMERO)

Other News
  • Facility quarantine sa asymptomatic, mild COVID cases mandatory na – IATF

    INOOBLIGA na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang mga positibo sa COVID-19 na asymptomatic at mild ang sintomas na ma-quarantine sa mga pasilidad na aprubado ng gobyerno.   Sinabi ni Presidential Spokes- man Harry Roque, nakapaloob ito sa IATF Resolution No. 74 kung saan nakasaad na mandatoy sa asymptomatic at mild […]

  • Buong-buo pa rin ang kuwento ng ‘Topakk’ kahit may tinanggal: SYLVIA, nagdesisyong gumawa ng R-16 at R-18 version para mas lumawak ang makakapanood

    ISA sa nakalinya naming panonoorin this coming Metro Manila Film Festival ay ang pelikulang ‘Topakk.’     Sa trailer pa lang ng pelikula ay sulit na ang ibabayad mo sa sinehan, how much more kung mapanood mo pa ang kabuuhan ng movie.     Punong-puno ng aksiyon ang ‘Topakk’, produced by Nathan Studios, Fusee, and […]

  • Gilas Pilipinas tututok na sa FIBA Asia Cup

    SESENTRO na ang atensiyon ng Gilas Pilipinas sa kampanya nito sa FIBA Asia Cup na aarangkada sa Hulyo 12 hanggang 24 sa Jakarta, Indonesia.     Magarbong tinapos ng Pinoy squad ang third window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers na ginanap sa Mall of Asia Arena sa Pasay City kung saan pinataob nito […]