Nietes sa Disyembre ang pagbabalik lona
- Published on October 8, 2020
- by @peoplesbalita
INAASINTA ni four-division men’s world professional boxing champion Donnie Nietes na muling umakyat ng lona sa darating na DisyembrE o sa papasok na taon.
Panibagong umpisa uli ng karera para sa 38-taong-gulang, 5-3 ang taas at tubong Murcia, Negros Occidental, dahil sa bagong mamamahala sa kanya na MTK Global at D4G Promotions.
Masaya si Nietes sa pagpasok ng MTK Global at D4G para sa mga susunod niyang laban matapos magsara ang dating nangangalaga sa kanyang ALA Boxing Promotions.
“I am very happy with this new step in my career. It means so much to me. Being a part of this team is brilliant and I am very grateful,” bulalas kamakalawa ng Negrenseng boksingero.
Kabilang sa mga nakukursunadahan nilang kasahan ang sinuman kina Juan Francisco Estrada ng Mexico, Srisaket Sor Rungvisai ng Thailand at Chocolatito Gonzalez ng Nicaragua.
Huling nakipagbakbakan si Nietes noong Disyembre 2018 nang makalusot kay Kazuto Ioka ng Japan via split decision sa Macau. (REC)
-
Rice price cap, binawi na ni PBBM
BINAWI na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. simula Oktubre 4, Miyerkules ang rice price cap. Sa isang panayam, sinabi ng Pangulo na ito na ang tamang panahon para i-lift ang rice price ceiling lalo pa’t namimigay na ng bigas ang pamahalaan. “Yes as of today’s we are lifting the price caps […]
-
Eight years ago pa huling naka-work sa teleserye: CARLA, excited sa muli nilang pagtatambal ni GABBY at kasama pa si BEAUTY
EXCITED si Carla Abellana dahil sa muling pagtatambal nila na teleserye ni Gabby Concepcion na may title na ‘Stolen Life.’ Huli silang nagkasama ni Gabby ay sa teleserye na ‘Because Of You’ noong 2015. Kaya after 8 years ay balik ang tambalan nila na hinihintay ng maraming fans nila. At ang ka-love triangle […]
-
PDu30, kinukunsidera ang pagtakbo sa pagka-senador sa 2022 elections
KINUMPIRMA ng Malakanyang na kinukunsidera ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na tumakbo sa pagka-senador sa 2022 national at local elections. Nauna na kasing nabanggit ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go na kinukunsidera ni Pangulong Duterte na tumakbo sa pagka-senador para patuloy siyang (Pangulo) na makapagtrabaho para sa kapakanan ng mga mamamayang Filipino. “As far as […]