• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Isyu ng Taiwan Strait, hindi maiiwasan na pag-usapan sa ASEAN Summit- PBBM

HINDI maiiwasan na mapag-usapan  ng mga lider na dadalo sa 42nd ASEAN Summit ang isyu ng tensyon sa Taiwan Strait.

 

 

Inamin ng Pangulo na ang usaping ito ay “inevitable, unavoidable” at isang “grave concern” sa lahat ng member-states ng ASEAN.

 

 

“Parang inevitable, eh. Unavoidable ‘yung subject matter na ‘yun dahil pare-pareho na mga miyembro ng ASEAN. Siyempre, it is a grave concern to all the member-states of ASEAN,” ayon sa Pangulo nang tanungin kung tatalakayin ng Taiwan ang bagay na ito sa Summit.

 

 

“So it’s considering that we also agree on the concept of ASEAN centrality when it comes to regional concerns that will be one of the most important subjects that we’ll bring up,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Tinuran  pa  ng Pangulo na ang isyu ng Taiwan Strait ay naging “point of discussion” na sa mahabang panahon na aniya’y may pangangailangan na  i-calibrate ang mga hakbang para tugunan ito.

 

 

“The discussions on that we had goes to a year ago, in that time marami nang nagbago, many changes occurred, that it why we have to really calibrate whatever it is that we are planning,” ayon sa Chief Executive.

 

 

“So, yes, there’s no way around it. That will inevitably be a part of the conversation that we’ll be having tomorrow and the day after,” dagdag na wika ng Pangulo.  (Daris Jose)

Other News
  • VCM ng Smartmatic ‘di na gagamitin ng Comelec

    HINDI NA gagamitin ng Commission on Elections (Comelec) ang mga vote counting machines (VCMs) ng Smartmatic sa mga susunod na eleksyon makaraan ang kabi-kabilang ulat ng pagkasira o pagloloko ng mga ito sa iba’t ibang polling precincts sa bansa.     Sa pulong balitaan nitong Lunes, sinabi ni Comelec Commissioner Marlon Casquejo na ngayong May […]

  • Daquis pinasilip ang kurba

    Hindi papatinag pagdating sa paseksihan si Philippine SuperLiga (PSL) star Rachel Anne Daquis ng Cignal High Definition Spikers na ipinasilip ang kanyang alindog sa social media nito lang isang araw.   Pinaskil ng 33-taong gulang at may taas na 5-9 ang ilang mga larawan niya sa Instagram kung saan makikita ang taglay pa ring kaseksihan […]

  • PBBM, umaasa na matitigil na ang 4Ps dahil sa food stamp program

    UMAASA  si Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. na matutuldukan na ang  Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) dahil sa food stamp program.  “Sana. Ibig sabihin kasi pag kaya na natin itigil ‘yan, sasabihin natin ibig sabihin wala ng nangangailangan. Maganda talaga kung maabot natin ‘yun. Pero kahit papano kung minsan tinatamaan halimbawa ng bagyo, tinatamaan ng peste, […]