• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mas mataas na singil sa kuryente, nakaamba ngayong Mayo

MAY nakaambang pagtataas ng singil sa kuryente ngayong buwan, bunsod na rin ng inaasahang pagtaas ng power prices mula sa wholesale electricity spot market at iba pang suppliers.

 

 

Ayon kay Manila Electric Co. (Meralco) spokesperson Joe Zaldarriaga, may bagong gastusin na idaragdag sa power rates na maaaring mag-reflect ngayong May billing.

 

 

Tinukoy ni Zaldarriaga ang natitirang tranche na P0.20 kada kilowatt-hour (kWh) mula sa March increase sa generation charge, na hinati para sa buwan ng Abril at Mayo, gayundin ang pagsasama ng P0.04/kwh na increase sa universal charge simula ngayong buwan.

 

 

Bukod dito, mayroon din aniyang posibilidad na tumaas ang presyo ng kuryente mula sa spot market dahil sa pagtaas ng demand at mga unscheduled shutdowns.

 

 

Ani Zaldarriaga, iaanunsiyo nila ngayong Huwebes ang magiging pinal na adjustment sa presyo ng kuryente.

 

 

Tiniyak din naman ni Zaldarriaga na maghahanap ang Meralco ng mga paraan para mabawasan ang naturang posibleng pagtaas. (Daris Jose)

Other News
  • Coo masigla pa rin kahit nagkakaedad

    IBINAHAGI nina world-renowned Pinay tenpin bowler Olivia ‘Bong’ Coo Garcia at Gymnastics Association of the Philippines (GAP) president Cynthia Carrion-Norton ang mga karanasan sa katatapos na Philippine Sports Commission’s (PSC) women empowerment web series Rise Up! Shape Up.        Pinamagatan ang ikawalong episode ng dalawang buwan ng serye na “Aging Gracefully: Embracing Life’s Golden […]

  • Hidilyn Diaz nagpasalamat kay Nesthy Petecio sa dangal na inuwi nito para sa Phl

    Nagpaabot ng kanyang pagbati si Hidilyn Diaz kay Nesthy Petecio matapos na makasungkit ng silver medal ang naturang Pilipinang boksingero sa women’s featherweight division sa Tokyo Olympics.     Ang panalo ni Petecio ang ikalawang medalya ng Pilipinas sa Summer Games kasunod nang gold medal finish ni Diaz sa women’s weightlifting.     Pinuri ni […]

  • Pagdeklara kay PATAFA Prexy Philip Juico na persona non grata,’null & void’ at wala sa POC jurisdiction -PATAFA chairman

    Tiniyak na Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) na hindi nila palalagpasin ang ginawang hakbang ng Philippine Olympics Committee kung saan kinatigan ang umano’y ‘harassment case’ na idinulog ni Olympian pole vaulter EJ Obiena laban sa kanilang presidente na si Philip Juico.     Ito’y mayroong kaugnayan sa POC ethics committee investigation findings na […]