• January 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tiangco brothers nagbigay ng ayuda sa mga nasunugan sa Navotas

TINATAYANG nasa pitong pamilya ang nawala ng tahanan matapos sumiklab ang isang sunog sa Navotas City.

 

 

Nabatid na sumiklab ang sunog sa mga kabahayan sa A. Santiago St. Brgy. Sipac at mabilis na kumalat apoy kaya kaagad rumesponde sa lugar ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at mga fire volunteer saka pinagtulungang apulahin ang sunog.

 

 

Sa ulat, umabot sa pitong pamilya o 35 katao ang naapektuhan ng sunog na inaalam pa ng BFP ang tunay na dahilan ng pagsiklab ng apoy habang pansamantala namang nanunuluyan sa basketball court ng barangay ang mga apektadong pamilya.

 

 

Kagaad namang nagtungo sa naturang lugar si Mayor John Rey Tiangco upang kamustahin ang kanyang mga kababayan na naapektuhan ng sunog at nagbigay ng tulong na mga pagkain, inuming tubig at hygiene kits, kasama si Cong. Toby Tiangco na nagbigay din ng ayuda sa mga pamilyang nasunugan.

 

 

“Lubos tayong nagpapasalamat sa ating mga bumbero at mga volunteer, at sa lahat ng mga rumesponde para tumulong na maapula ang sunog”, pahayag ni Mayor Tiangco.

 

 

“Kasama si Cong. Toby nabigyan na po natin ng mga pangunahing pangangailangan at ayuda ang mga pamilyang apektado. Mag-ingat po tayo parati para manatiling ligtas sa anung sakuna”, paalala niya. (Richard Mesa)

Other News
  • ANYARE sa JEEP? ANGKAS may PAG-ASA BANG PAYAGAN?

    Kamakailan ay naimbitahan ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ng Quezon City anti-corruption committee chairman, Jano Orate, upang pangunahan ang pagbibigay ng ayuda sa mga jeepney drivers na nakatira sa UP Campus sa QC.   Kasama si Kapitana Zeny Lectura. Ang mga beneficiaries ay ilan sa mga jeepney drivers na napilitan nang mamalimos […]

  • 102% ng target population sa NCR, nakakuha na ng first dose ng Covid vax

    SINABI ni Vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na may 102.86% na ng target population sa National Capital Region (NCR) ang nakatanggap na ng kanilang first dose ng Covid-19 vaccine.   Sinabi ni Galvez, tumatayong chief implementer ng National Task Force (NTF) laban sa Covid-19, na may mahigit na 8.8 milyong indibiduwal o 90.75% ng […]

  • Ads May 16, 2023