• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Romualdez, nabahala sa pagsara ng Kuwait ng border sa mga Pinoy

NABAHALA si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa biglaang pagsasara ng bansang Kuwait ng border nila sa mga overseas Filipino workers (OFWs) nitong nagdaang araw lang.

 

 

Ipatatawag ni Speaker Romualdez ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) upang alamin kung ano ang dahilan ng aksyon ng Kuwait.

 

 

“I just want to find out mula sa DFA at DMW ang tunay na dahilan sa aksyon ng Kuwait”,  ayon sa House Speaker.

 

 

Nauna ng sinabi ng Kuwait na hindi tumupad ang Pilipinas sa “bilateral agreement” ng dalawang bansa.

 

 

“We want to be clarified anong parte o portion ng nasabing agreement ang hindi natin tinupad kung meron man”, ani Romualdez.

 

 

Dagdag pa ng lider ng Kongreso, “ hindi lang kasi ilang OFW ang apektado sa utos na ito kundi hundreds of Filipinos”.

 

 

Matatandaan na ipinatupad ang ban sa mga OFW na magtatrabaho sa Kuwait nitong Pebrero matapos ang pagpatay sa OFW na si Juleebee Ranara noong Enero.

 

 

“Pero of course, our priority is the safety ng mga kababayan natin rather than work”, pahabol ni Romualdez. (Daris Jose)

Other News
  • 10 PANG GOBERNADOR SUPORTADO SI MARCOS; NANGAKONG BABANTAYAN ANG BOTO NI BBM

    SAMPU pang gobernador mula sa iba’t ibang lugar sa bansa ang nagpahayag ng buong suporta kay presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., sa isang pulong nitong Linggo ng gabi sa BBM national headquarters sa Mandaluyong.     Bukod sa kanilang mga concern at mga priority program sa kanilang probinsya, tinalakay sa pagpupulong ang mga hakbang […]

  • Mas marami pang criminal complaints, inaasahang ihain laban kay suspended BuCor chief Bantag

    INAASAHANG mas marami pang criminal complaints ang ihahain laban kay suspended Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag.     Ayon kay BuCor Acting Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr, patuloy na nangangalap ng ebidensiya ang BuCor laban kay Bantag para sa plunder charges nito sa umano’y maanomaliyang proyektong pagtatatag ng tatlong prison […]

  • Gaganap na kontrabida sa ‘Pulang Araw’: DENNIS, excited na sa matitinding eksena nila ni ALDEN

    MARAMI na ang excited at nag-aabang sa pagsasama sa unang pagkakataon sa isang project nina Dennis Trillo at Alden Richards.     In-announce na kabilang si Dennis sa cast ng ‘Pulang Araw’ na upcoming historical drama series ng GMA.     Dito ay gaganap si Dennis bilang kontrabida, isang malupit na sundalong hapon na magpapahirap […]