• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panukala ni Senador Tulfo na imbestigahan ang NGCP, aprubado ni PBBM

INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukala ni Senador Raffy Tulfo na imbestigahan ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Pinaalalahanan ni Tulfo nitong Martes, Mayo 16, si Pangulong Marcos sa posibilidad ng seryosong banta sa seguridad ng bansa ang maliit na porsyon na pagmamay-ari ng China ang NGCP.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), nagpahayag ng kanyang intensyon si Tulfo kay Pangulong Marcos na i-assess ang performance ng NGCP.
Pumayag naman ang Pangulo hinggil dito at nagpahayag na ang gobyerno ang magko-kontrol sa ahensiya kung kinakailangan.
“The President agreed with the senator’s proposal to conduct a comprehensive study or hold hearings to determine the actual situation. If necessary, the government will take back control of the entity,” ayon sa PCO sa isang kalatas.
Winika pa ng PCO na hangad ni Tulfo na suriin ang  security aspect, partikular na sa kung sino ang nagko-kontrol sa  NGCP.
Nauna rito, binanggit ni Tulfo sa Pangulo ang sinasabing pag-kontrol ng China sa  NGCP,  sabay sabing may hatid itong seryosong security threat sa bansa.
Ibinahagi naman ni Tulfo sa Pangulo ang di umano’y mga paglabag ng NGCP sa kanilang prangkisa, “specifically the failure to follow timely development and connectivity in the main grid of energy power in various provinces amid recent power disruptions.”
Sinabi pa rin niya na ang malaking bahagi ng kinikita ng  NGCP ay napupunta sa  shareholders at hindi sa “system development” nito. (Daris Jose)
Other News
  • ‘Chinese mafia’ nasa likod ng rice smuggling – BOC

    TINUTUTUKAN na umano ng Bureau of Customs (BOC) ang impormasyon na isang “Chinese mafia” ang nasa likod ng smuggling sa bigas sa bansa, dahilan nang patuloy na pagmahal nito sa merkado.     “Yung mga reports na nare-receive po ng office natin, binabanggit nga po mga Chinese,” ayon kay BOC Director Vernie Enciso.     […]

  • RABIYA MATEO, kailangan nang maghanda kung totoong sa May 9 na ang ‘Miss Universe 2020’

    MATUTULOY ngayong 2021 ang Miss Universe pageant.     Ito ay ayon sa Miss Universe Organization vice-president Shawn McClain na naglabas ng maraming pagbabago sa pageant dahil sa COVID-19 pandemic.     “There’s is a chance we change a bit, change some things about Miss Universe.I can’t say many details now, but changes (in) some […]

  • Espiritu aminadong umaalingasaw trade

    INAMIN ng tatlong agent-manager ng mga player na bukas lahat ang 12 team sa mga palitan ng mga manlalaro bilang pagpapalakas para sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 Philippine Cup sa darating na Abril 9.   Nagkakaisa sa pahayag sina veteran agent-manager Danny Espiritu, Charlie Dy, at Ed Fonceja ,na anila’y lahat ng mga […]