PSA at PhilPost pinapabilisan ang pagdeliver ng mga national ID
- Published on May 19, 2023
- by @peoplesbalita
PABIBILISAN na ng Philippine Statistics Authority (PSA) at Philippine Postal Corporation (PHLPost) ang paghahatid ng PhilIDs sa mga indibidwal na nakarehistro na sa Philippine Identification System (PhilSys).
Nagkasundo si PSA Undersecretary Claire Dennis Mapa, National Statistician at Civil Registrar General; at ang bagong Post Master General at CEO Luis Carlos, na patindihin pa ang kanilang koordinasyon sa paghahatid ng Phil IDs sa buong bansa.
Kanila na ring tinutugunan ang mga hamon sa paghahatid tulad ng unclaimed return-to-sender (RTS) PhilIDs kabilang ang mga PhilID holder na lumipat ng ibang address o lugar.
Mula sa 37,021,698 PhilIDs na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas para sa delivery; 30,160,674 dito ang naihatid na ng PHLPost sa buong bansa.
Samantala, patuloy namang nag-iisyu ng ePhilIDs ang PSA Field Offices sa mga nakarehistrong indibidwal sa pamamagitan ng plaza-type at house-to-house distribution.
Hanggang Mayo 5, aabot na sa 32,142,314 ePhilIDs ang na-claim at na-download na ng mga rehistradong indibidwal.
-
Bong Go: Bilisan pamimigay ng ‘ayuda’ sa apektado ng ECQ
Pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go ang naging desisyon ng pamahalaan na bigyan ng special financial assistance ang mga residente ng Iloilo province, Iloilo City, Cagayan de Oro City at Gingoog City, Misamis Oriental na naapektuhan ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine restrictions noong Hulyo 16 hanggang 31 na nag-extend hanggang Agosto 7. […]
-
DOTr gusto ibaba sa P9 minimum na pasahe sa jeep
IMINUNGKAHI ng Department of Transportation (DOTr) ang ilang diskwento sa pamasahe ng mga pampublikong transportasyon gaya ng jeep, bus at UV Express — pero pansamantala lang ito kapalit ng pagtanggal ng “Libreng Sakay” sa EDSA Carousel. Martes nang ibalita ito ng GMA News, bagay na base raw sa memorandum ng DOTr sa Land […]
-
19 Pinoy athletes palaban sa Olympic Gold — Ramirez
Habang papalapit ang Tokyo Olympic Games ay lalong lumalakas ang paniniwala ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez na makakamit ng bansa ang kauna-unahang Olympic gold medal. Ito ay sa kabila ng matinding kompetisyon na sasabakan ng 19 Pinoy athletes sa kani-kanilang events sa quadrennial event na magsisimula sa Hulyo 23. […]