• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COVID-19 positivity rate sa Metro Manila, umakyat na sa 26%

UMAKYAT sa 26% ang COVID 19 positivity rate sa Metro Manila, ayon sa pinakahuling monitoring ng OCTA research group.

 

 

Sinabi ni Octa Research fellow Guido David, na ang kasalukuyang pitong araw na positivity rate ay halos pareho sa naitala na rate noong Mayo 16 sa 25.9%

 

 

Aniya, ang nationwide COVID-19 positivity rate naman ay nasa 24.1%, batay ng Department of Health na kung saan mayroong 2,014 na bagong kaso ng nakamamatay na sakit.

 

 

Kung matatandaan, ang nationwide COVID-19 positivity rate noong nakaraang araw ay nasa 23.8 percent lamang.

 

 

Una na rito, ang COVID-19 tracker ng DOH ay nagpahiwatig na ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa ay umabot na sa 4,121,513.

 

 

Kasama sa bilang na ito ang 16,504 na aktibong kaso, 4,038,573 ang nakarekober, at 66,453 na mga nasawi sa naturang virus.

Other News
  • Taas-singil sa tubig, aprub ng MWSS

    SIMULA sa 2023 asahan na ang dagdag bayarin sa kinokonsumong tubig makaraang aprubahan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang rate increase na hiniling ng Manila Water Company Inc. at Maynilad Water Services Inc.     Ayon kay MWSS-Regulatory Office chief regulator Patrick Ty, inaprubahan ng ahensiya ang rate rebasing adjustments ng dalawang kumpanya […]

  • Fernando, binalikan ang mga nagawa ng Bulacan laban sa pandemya

    LUNGSOD NG MALOLOS- Binalikan ni Gobernador Daniel R. Fernando ang mga maagap na inisyatibo ng Bulacan na naging dahilan upang mapagtagumpayan ang laban sa pandemyang COVID-19 sa ginanap na 11th Joint Meeting of the Response, Law and Order, and Recovery Clusters ng Provincial Task Force (PTF) on COVID-19 sa pamamagitan ng aplikasyong Zoom kahapon.     […]

  • Pagluluwag sa NCR, magdadala ng maraming trabaho — BBM

    Umaasa si Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na muling manunumbalik ang sigla ng ekonomiya at maglilikha ng maraming trabaho ang paglalagay ng pamahalaan sa mas maluwag na Alert Level 2 status sa Metro Manila.     Sa pahayag, sinabi ni Marcos na ito ang nauna na rin nilang panawagan na buksan na ang mga […]