• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

“Walang Gutom 2027” ng DSWD, 1M mahihirap na pamilya ang makikinabang-DSWD

TINATAYANG 1 milyong benepisaryo ang inaasahan na makikinabang mula sa  “Walang Gutom 2027” program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

 

 

Layon ng inisyatibang ito ang paghusayin ang access ng  food-poor families sa masustansyang pagkain.

 

 

Sinabi ni Social Welfare Secretary Rex Gatchalian na ang bagong food stamp program ng departamento ay naglalayong tulungan ang 1 milyong sambahayan na nabibilang sa lowest income bracket o iyong mga “do not make beyond PHP8,000” na buwanang sahod.

 

 

Sinabi ni Gatchalian na hangad ng programa na magbigay ng electronic benefit transfers na kakargahan ng  food credits na nagkakahalaga ng P3,000  para magawa ng mga  targeted beneficiaries  na makabili sa piling listahan ng food commodities mula sa DSWD-accredited local retailers.

 

 

“The ‘Walang Gutom 2027′ intends to target the bottom 1 million households from Listahanan 3 who belong to the food poor criteria as defined by the Philippine Statistics Authority,” ani Gatchalian.

 

 

“We believe that this program will properly address the gaps and assist its beneficiaries in attaining the recommended food and energy consumption needed for each member to perform their daily tasks and routines that has direct and indirect contribution to human capitalization and a direct positive impact towards nation-building,” dagdag na wika nito.

 

 

Gayunman, nilinaw ni Gatchalian na ang food stamp program ay nananatili  pa rin sa “design stage” hanggang Hunyo.

 

 

Samantala, kasalukuyan nang nakikipagtulungan ang DSWD sa United Nations’ World Food Program  para hingan ng tulong ang kanilang  “vast technical expertise” pagdating sa pagpapatakbo ng food stamp programs sa buong mundo.

 

 

“As we speak right now, mayroon na tayong first draft ng  design and we will spend the remaining months of May and June in the design stage,”  ani Gatchalian sabay sabing tumanggap naman ang DSWD ng “multiple consultants”  “to take a second look at what is being designed.” (Daris Jose)

Other News
  • Sen. Pacquiao, bagong pangulo ng PDP-Laban party

    Pormal ng nanumpa bilang bagong pangulo ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) si Senator Manny Pacquiao.   Sinabi ni PDP-Laban executive Director Ronwald Munsayac, napili rin si House Speaker Lord Allan Velasco bilang bagong executive vice president ng partido.   Si Pacquiao aniya ay naging “acting national president” na bago pa pormal na italaga […]

  • Pinay boxer Petecio ‘parang nanalo na’ matapos umusad sa semis sa Olympics

    Labis ang pasasalamat ni Filipino boxer Nesthy Petecio dahil sa nakatunton na ito at sumasabak sa 2020 Tokyo Olympics.     Matapos kasi ang tatlong panalo nito ay tiyak na ang bronze medal nito nang umabanse na siya sa featherweight division semifinals.     Sinabi nito na hindi niya maipaliwanag ngayon ang nararamdaman dahil sa […]

  • Ads February 13, 2020