• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DBM, nagbabala sa publiko laban sa mga fixers, scammers

PINAG-IINGAT ng Department of Budget and Management (DBM) ang publiko laban sa mga  fixers at scammers na nag-aalok ng tulong kapalit ng pera.

 

 

Ang payo ng DBM sa publiko ay iwasan na makipag-transaksyon sa “unscrupulous individuals” na nangangako na pabibiliisn ang trannsaksyon sa ahensiya.

 

 

“The department would like to emphasize that we will never authorize any individual or group to solicit money, goods, or favor in exchange for facilitating such transactions,” ayon sa kalatas ng DBM.

 

 

“We will not, in any way, tolerate or condone false representation or solicitation of any kind as this is a clear violation of the law,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Tinuran pa ng DBM na mananatili ito at paninindigan ang integridad, kasipagan at transparency sa lahat ng proseso at transaksyon, bilang pagsunod sa umiiral na batas,  rules and regulations, lalo na pagdating sa pagre-request at pagpapalabas ng public funds.

 

 

Sinabi pa ng departamento na ang pagsusumite ng requests para sa  Local Government Support Fund– Financial Assistance (LGSF-FA) sa  local government units (LGUs) ay magagawa lamang sa pamamagitan ng igital Requests Submission for Local Government Support Fund (DRSL) matatagpuan sa DBM Apps Portal.

 

 

Ang lahat ng dokumento na  isusumite ng  LGU sa pamamagitan ng ibang paraan ay “automatically denied.”

 

 

“To prevent scammers, middlemen, fraudulent individuals, or organized groups from making representations that they can influence or facilitate the release of the LGSF-FA to LGUs, the DBM shall directly deal only with the local chief executive of the LGU concerned,” ayon sa DBM.

 

 

Kaya pinayuhan ng departamento ang lahat na maging bigilante at kaagad na ireport ang anumang kahina-hinalang aktibidad para sa paghahain ng tamang reklamo laban sa mga walang konsensiyang  indibiduwal.

 

 

“We urge the public to be more discerning and to report scams or other spurious activities by calling (02) 865-7-3300,” ang sinabi ng DBM. (Daris Jose)

Other News
  • Pinas, maaaring makatanggap ng 30 milyong doses ng Novavax vaccine

    MAAARING makatanggap ang Pilipinas ng 30 milyong doses ng India-manufactured coronavirus vaccine mula sa American firm Novavax sa second quarter o third quarter ng taon sa oras na malagdaan na ang kasunduan.   Sinabi ni Ambassador Shambhu Kumaran na ang usapan sa pagitan ng Indian officials at ni Philippine vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. […]

  • 3 kalaboso sa P1.5 milyon shabu sa Caloocan

    KULONG ang tatlong hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng mahigit P1.5 milyon halaga ng shabu nang tangkain takasan ang mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Sita habang sakay ng dalawang motorsiklo sa Caloocan City.     Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr. ang naarestong mga suspek na sina Jeffrey Filiciano, 43, Regie […]

  • Ayaw talagang paawat ang sikat na Pinoy Boyband: Bagong kanta ng SB19 na ‘Moonlight’, nag-number one sa siyam na bansa

    AYAW paawat ang SB19!       Number one na sa music charts ng siyam na bansa ang bago nilang kantang “Moonlight.”       Kaka-launch lamang ng “Moonlight” nitong May 3 pero may 1.1 million views na sa Youtube ang music video ng naturang kanta ng SB19.       Ang “Moonlight” ay collaboration […]