Kakaibang satisfaction ang naibibigay sa kanya: DINGDONG, malapit na sa puso ang hosting bukod sa acting
- Published on June 6, 2023
- by @peoplesbalita
UMIYAK ang baguhang Sparkle actress na si Angel Leighton sa media conference ng upcoming action-comedy series na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.
Umiyak dahil sa tuwa si Angel dahil nakamit niya ang kanyang dream role na mapabilang sa isang action series.“Sobrang grateful ko. Dream role ko ‘to, yung action.
“I’m so thankful kay God kasi binigay niya sa akin ‘to and ang mga kasama ko pa sila Senator Bong tapos mga action star before, sila Sir Jeric, and all of the cast. Sobrang thankful lang talaga ako.”
Nasa cast ng Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis sina Senator ‘Bong’ Revilla, Jr. Beauty Gonzalez, Max Collins, Jeric Raval, at Ms. Carmi Martin, among others.
Nagpasalamat rin si Angel sa lahat ng nagtiwala sa kanya sa pagbibigay buhay sa role na gagampanan niya sa serye.
“Sobrang saya kasama si Senator Bong sa set, as in puro tawanan lang. Sobrang saya, sobrang gaan, sobrang exciting talaga.
“Kay Ate Beauty, gusto ko rin magpasalamat kasi sobrang bait niya talaga.
“Kay Ate Max naman, sobrang bait talaga niya, as in. And si Ate Maey, sobrang makulit talaga ‘to, sobrang galing umarte.”
Kuwento pa ni Angel, tinutulungan at ginagabayan din siya ng mga batikang stars kung paano i-deliver ang kanyang mga linya.
Mapapanood ang ‘Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis’ tuwing Linggo, 7:50 ng gabi, sa GMA.
***
MAHUSAY na artista, pero ayon kay Dingdong Dantes na bagamat una siyang nakilala sa showbiz bilang aktor, nagugustuhan na rin niya ang pagiging host, lalo na sa hit game show niyang ‘Family Feud’.
“Siyempre, noong umpisa acting ang gusto ko.
“Yung hosting, para sa akin, performance din yun. Napamahal din ako sa hosting ng Family Feud. More than one year ko siyang ginawa.
“Although, ganun din yung Amazing earth. So, para sa akin, medyo malapit na rin sa puso ko yung hosting.”
Ayon pa kay Dingdong, kakaibang satisfaction din ang naibibigay sa kanya ng pagho-host.
“I really enjoy it!
“Para rin siyang therapy for me kasi sa tuwing sumasampa ako sa stage, ang saya lang. Nakakalimutan lahat ng kailangan kong isipin. Ganun din naman sa acting. Pareho po siyang may bigat para sa akin, may diin, espesyal.”
Bagamat mataas ang ratings ng Family Feud, panandalian muna itong mawawala sa ere dahil magkakaroon ng season break.
Pero huwag daw mag-alala ang mga masugid na manonood ng Family Feud dahil sinigurado ni Dingdong na babalik din ito agad.
“We will be having a break and babalik naman kaagad. Magkakaroon lang ng season break pero very, very soon this year, babalik din siya. Mabilis lang ‘yan,” pahayag pa ni Dingdong.
Excited si Dingdong sa bago niyang show, ang Royal Blood.
“Halos pumi-peak na kami sa Royal Blood taping. “Siyempre, kapag nag-uumpisa ka, magwa-warm up ka, mangangapa ka.
“Ngayong talagang in the groove na kami. Ang pinakamahalaga sa lahat yung characters namin dahil binubuo yung Royal Blood ng interesting characters, na magkakapatid, and yun ang talagang magdadala ng kuwento.
“Brothers, sisters, murder mystery pa siya, so buong-buo na yung character ng bawat isa. Very exciting kapag nagsasama-sama sa isang screen kaming magkakapatid.”
(ROMMEL L. GONZALES)
Other News
-
Alas may alam din sa bantahan ng laro
ISANG bukas na aklat din para kay Francisco Luis (Louie) Alas ang bentahan ng laro o game fixing sa Philippine basketball. Naging coach siya national men’s basketball team sa ilang international competition gaya ng Southeast Asian Games o SEA Games at South East Asian Basketball Association o SEABA Championship for Men, sa Philippine Basketball […]
-
Batang lalaki nalunod sa Navotas
Nasawi ang isang siyam na taong gulang na batang lalaki matapos malunod sa ilog sa Navotas City, kamalawa ng hapon. Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang biktima na si Justine Antonio, 9-anyos ng No. 497 Gov. Pascual, Brgy. Daang-Hari. Sa inisyal na imbestigasyon nina PSSg Levi Salazar at […]
-
Ads September 16, 2021