UNQUALIFIED OPINION MULA SA COA, TINANGGAP NG QC LGU SA IKATLONG SUNUD-SUNOD NA PAGKAKATAON
- Published on June 14, 2023
- by @peoplesbalita
INANUNSYO ni Quezon City Mayor Joy Belmonte nitong Independence Day celebration na nakatanggap muli sa ikatlong sunud-sunod na pagkakataon ng “unqualified opinion” mula sa Commission on Audit ang pamahalaang lokal ng Quezon City para sa 2022 annual audit report matapos ang mahigpit na assessment.
Ang “unqualified opinion” ay ang pinakamataas na audit opinion na ibinibigay ng COA sa mga ahensya ng pamahalaan, kabilang na ang mga lokal government units.
Ayon kay Belmonte, sa ikatlong sunod na taon mapalad ang Quezon City na mabiyayaan ng ganitong parangal. Ito’y patunay lang ng ating tuluy-tuloy na tapat na pamamahala, at pagiging masinop sa paggamit ng pondo ng taumbayan.
Dagdag pa ng alkalde, hindi natin maaabot ang pagkilalang ito kung hindi dahil sa masisipag at tapat na mga tauhan ng pamahalaang lokal, para sa inyo ang parangal na ito.
Ayon naman kay Joseph Perez, Supervising Auditor ng COA-QC, nakapasa sa masusing pagsisiyasat ng COA ang financial statement ng lungsod at ito ay naaayon sa “applicable fimancial reporting framework.
Si Perez din ang nagpaabot ng balita kay Belmonte kaugnay sa nasabing parangal nang siya ay nag courtesy call sa alkalde.
Personal na tinanggap ni Belmonte ang COA annual report mula kay Perez, kasama sina City Administrator Michael Alimurung, Secretary to the Mayor Ricardo Belmonte Jr., and Office of the City Mayor (OCM) Chief of Staff Rowena Macatao. (PAUL JOHN REYES)
-
Pacquiao No. 3 sa world ranking
Pasok si Manny Pacquiao sa Top 3 sa world ranking ng welterweight division ng pamosong Ring Magazine. Hawak ng eight-division world champion ang No. 3 spot sa ilalim ng nangungunang si unified World Boxing Council (WBC) at International Boxing Federation (IBF) champion Errol Spence Jr. nasa unang puwesto. Nakaupo naman sa […]
-
“WEDNESDAY’S” JENNA ORTEGA TAKES A NEW STAB AT HORROR IN “SCREAM VI”
TEEN sensation Jenna Ortega broke away from the pack when she starred in 2022’s Scream and in the Netflix series Wednesday which nabbed the Netflix record for most watched series and recently announced the Season 2 pickup. For her performance Ortega was individually nominated for a 2023 Golden Globe award in the category of Best Television Actress […]
-
Colleges, universities planong lagyan ng ‘Register Anywhere’ ng Comelec
PLANO ng Commission on Elections (Comelec) na maglagay pa ng mas maraming site para sa Register Anywhere Project (RAP) nito, partikular sa mga kolehiyo at unibersidad. Sinabi ni Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco na kasalukuyang nakikipag-ugnayan sila sa Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) para magkaroon ng RAP ang ilang kolehiyo […]