• January 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Perfect ang movie sa pagbabalik ng Superstar: ALFRED, mas tumindi ang pagiging Noranian nang makatrabaho si NORA sa ‘Pieta’

SA 101 episode ng Fast Talk with Boy Abunda noong June 14, sumalang sa isang usapang lalaki si Councilor Alfred Vargas kasama ang kaniyang co-actor sa AraBella na si Luis Hontiveros.

 

 

Ibinahagi  nga ng mahusay na aktor na hindi siya natatakot na umiyak sa harap ng mga tao lalo na sa mga malalapit sa kaniya.

 

 

Pahayag ni Alfred, “I cry in front of people that I am really close to kasi if I feel secure with your company, puwede kong ibigay talaga ‘yung sarili ko sa’yo.”

 

 

Dagdag pa ng aktor, “I also cry in movies, I cry in front of my children also pero madalas akong umiyak kapag kasama ko ‘yung misis ko kapag may frustration, kapag malungkot. I’m not afraid to cry in front of others.”

 

 

Agree naman si Luis sa tinuran ni Alfred at sinabing, “For me, it’s not about being weak. I think vulnerability makes me an even stronger human being.”

 

 

Natanong din si Kon. Alfred ang pelikulang prinoduce niya, ang ‘Pieta’ na pinagbibidahan ni Superstar Nora Aunor.

 

 

Pagbabahagi ng aktor kay Kuya Boy, “alam mo I was a Noranian eversince. After my ‘Pieta’ experience with the one and only Superstar, mas trumiple ang pagiging Noranian ko.

 

 

“The movie is the story about mother and son.  Pagbalik niya (mula sa prison) he was looking for his mom, may alzheimer’s na yung mom niya.

 

 

“So, it’s that journey.  It is a beautiful movie fitting for the Superstar’s comeback directed by Adolf Alix, Jr.”

 

 

Nakatakda itong ipalabas this year at pinag-iisipan nina kung isasali nila ito sa taunang Metro Manila Film Festival.

 

 

Samantala, mapapanood naman sina Alfred at Luis sa huling dalawang linggo ng AraBella sa GMA Afternoon Prime.

 

 

Para sa kabuuan ng episode, panoorin sa YouTube channel ng GMA Network at patuloy na tutukan ang Fast Talk with Boy Abunda pagkatapos ng The Seed of Love sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Mga tinaguriang “new poor” na nalilikha ng epekto ng pandemya, maaaring manggaling sa mga OFW at nasa industriya ng turismo-Malakanyang

    PARA sa Malakanyang, ang turismo at mga OFW ang sektor na pinakamatinding tinamaan ng pandemya dito sa bansa.   Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, posibleng magmula sa nasabing sektor ang sinasabi ng World Bank na tinaguriang new poor o ang mga dati nang nakabangon sa kahirapan at maaaring muling magbalik sa kahirapan dahil sa […]

  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 21) Story by Geraldine Monzon

    SABAY NA  napalingon sina Angela at Bernard kay Janine na nakangiti sa kanila.   “Janine, hija, sila ang aking mga apo, si Bernard at ang pinakamamahal niyang asawa na si Angela.”   Nakangiting iniabot ni Janine ang kamay niya sa dalawa na magiliw namang tinanggap ni Angela at pagkatapos ay ni Bernard.   “Hello po! […]

  • Pacquiao may ‘pasabog’ bago lumipad pa-Amerika

    Bago magtungo sa Amerika para ituloy ang pagsasanay sa boksing, may pasabog muna si Sen. Manny Pacquiao laban sa administrasyong Duterte.     Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, na ibinahagi sa kanila ni Senate President Tito Sotto ang pahayag ni Pacquiao na may ibubunyag sa media sa Sabado tungkol sa umano’y korupsyon sa pamahalaan.   […]