• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Puring-puri siya nina Chanda at Sandy… HERLENE, itinangging nali-late sa taping dahil sa ibang commitments

MABILIS na nagpaliwanag si Binibining Pilipinas 2022 1st Runner Up Herlene Budol tungkol sa issue na cause of delay daw siya sa taping ng first teleserye niya sa GMA Network, ang “Magandang Dilag.” 

 

 

Inuuna pa raw niya ang iba niyang commitments kaysa taping.

 

 

“Hindi po naman maiwasan ang ganoong bagay, give and take naman po kami sa mga taping schedules at sa iba pang lakad,  Iyon po namang ibang schedules talagang obligasyon din po iyon, pero hindi po ako nali-late sa taping,” paliwanag pa ni Herlene.

 

 

“Pero marami rin pong salamat sa lahat ng nagsusulat sa akin, bad or good po, is still publicity.”

 

 

Pinatunayan naman ng mga seasoned actresses na sina Chanda Romero at Sandy Andolong na wala silang problema kay Herlene.

 

 

Si Chanda, first meeting pa lang daw niya kay Herlene: “kahit wala siyang tulog, kahit pagod na pagod na siya sa mga eksena niya, wala kang maririnig sa kanya, dahil nirerespeto niya ang mga kasama niya sa set.  Kapag na-take 2 nga siya, napapaiyak na siya dahil sa sobrang hiya niya sa kaeksena at sorry siya nang sorry. For that, lalo kong minahal si Herlene.”

 

 

Si Sandy naman pinuri niya ang pagiging marespeto raw ni Herlene at gustong-gusto niya ang pagiging totoo at pagiging honest kung ano ang nararamdaman nito, “hindi siya talaga mahirap mahalin.”

 

 

Sa June 26 na mapapanood ang “Magandang Dilag” na makakasama ni Herlene sina Benjamin Alves, Rob Gomez, Adrian Alandy, Maxine Medina, Bianca Manalo, Angela Alarcon, at marami pang iba.

 

 

Sa direksyon ni Don Michael Perez, mapapanood ito 3:25p.m. sa GMA Afternoon Prime, papalitan nila ang “AraBella” na nasa finale week na ngayon.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • DILG kuntento sa performance ng mga LGUs sa pagtugon sa kalamidad

    KUNTENTO si Interior and Local Government Secretary Eduardo Año sa naging performance ng mga local government units sa kanilang disaster preparedness and response operations.   Ayon kay Año natuto na ang mga LGUs at ginagawa na ng mga ito ang kanilang mga trabaho lalo na kapag may mga natural disasters gaya ng Bagyo.   niya, […]

  • DOTr: Humihingi ng P164 B pondo para sa proyekto sa railways

    Humihingi ang Department of Transportation (DOTr) sa Mababang Kapulungan ng pamahalaan ng pondong nagkakahalaga ng P164 billion para sa construction at maintenance ng pitong (7) rail lines sa Metro Manila sa taong 2024.       Nakalagay sa 2024 National Expenditure Program ng pamahalaan, ang DOTr ay humihing sa Mababang Kapulungan ng kabuohang budget na […]

  • PS-DBM pinabubuwag sa Senado

    PABOR si Senate Mino­rity Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na buwagin ang Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM) na sangkot sa pagbili ng P2.4 bilyon na umano’y maanomalyang laptops noong 20221.     Sinabi ni Pimentel, na ang PS-DBM ay tagong departamento ng DBM at ang kanilang pinuno ay hindi dumaraan […]