Gobyerno, target na malampasan ang 100% rice self-sufficiency- PBBM
- Published on June 20, 2023
- by @peoplesbalita
TARGET ng pamahalaan na malampasan ang 100-percent rice self-sufficiency gamit ang agricultural initiatives nito.
Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang weekly vlog na ipinalabas, araw ng Sabado.
Sinabi ng Pangulo na itinutulak ng kanyang administrasyon ang iba’t ibang proyekto at programa na makatutulong sa mga Filipino na malampasan ang kahirapan at pagkagutom gaya ng farm mechanization para makatulong na mahigitan ang rice self-sufficiency target.
“Sapat at murang pagkain pa rin ang siyang tanging magpapalaya sa atin sa gutom. Kung kaya’t walang tigil ang paglulunsad ng mga ganitong programa sa ating mga agricultural regions,” ani Pangulong Marcos sa kanyang official Facebook account.
“Kapag matagumpay ito, buong bansa ang makikinabang at maaaring mahihigitan pa natin ang 100-percent rice self-sufficiency,” dagdag na wika ng Punong Ehekutibo.
Matatandaang inaprubahan ni Pangulong Marcos ang Masagana Rice Industry Development Program (MRIDP) na naglalayong makamit ang pinakamataas na posibleng rice sufficiency level sa pamamagitan ng paggamit ng ilang estratehiya.
Sinabi ng Pangulo na maliban sa pag-improve sa agricultural production ng bansa, dapat ding tiyakin ang kapakanan ng mga magsasakang Filipino
Sa ilalim ng MRIDP, “strategies would be carried out to support rice farmers, increase rice production, and strengthen the rice value chain.”
Sinabi ng Chief Executive na pinaigting ng pamahalaan ang pagsisikap nito para makamit ang 97.4% rice self-sufficiency target sa bansa.
Binigyang diin ang kanyang pangako na magbukas ng mas maraming oportunidad para sa mga Filipino, sinabi ng Pangulo na ipagpapatuloy ng gobyerno ang pagbibigay hindi lamang ng financial aid kundi maging livelihood assistance.
Tinukoy ng Pangulo ang farming mechanization distribution ng DA, livelihood at government internahip programs ng Department of Labor and Employment (DoLE), “Pangkabuhayan” sa Pagbangon at Ginhawa” Program ng Department of Trade and Industry (DTI) at scholarship para sa trading for work program ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
“Ang paglaya mula sa kahirapan ay isang patuloy na digmaan na hinaharap ng ating pamahalaan. Kaya ang distribusyon ng tulong na pansamantalang umaalalay sa ating mga kababayan ay hindi mawawala. Ito ang mga maagarang lunas na nakakapagdala ng ginhawa sa libu-libong pamilyang Pilipino,” ayon sa Pangulo.
“Ito ay hindi lang mga ayuda na salapi kundi ayuda ng pagkakataon para sa mamamayang Pilipino nang mabigyan sila ng pagkakataon na makapaghanapbuhay at hindi lang umaasa na tumatanggap ng biyaya,” dagdag na pahayag nito.
Winika pa ng Pangulo na committed ang pamahalaan na muling pasiglahin ang ekonomiya ng bansa para makalikha pa ng mas maraming job opportunities.
Sinabi nito na ang “healthy” relations sa mga foreign allies at paghikayat ng mas investments ay mahalaga sa pagkamit ng economic transformation bid ng kanyang administrasyon.
“Pagkakaisa at pagkakaibigan sa mga bansang minsa’y naging bahagi ng ating kasaysayan [ang sagot] upang mabigyan ng mas maraming pagkakataon ang mga masisipag, magigiting at talentadong mga Pinoy ,” ayon sa Pangulo. (Daris Jose)
-
Tricycle driver sinaksak ng nakaaway sa birthday party
NASA kritikal na kalagayan ang isang tricycle driver matapos saksakin ng kanyang nakaaway sa isang inuman sa birthday party sa Malabon city, kahapon ng madaling araw. Inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong saksak sa likod ang biktimang si Mark Joseph De Guzman, 33, ng 10 Nadala, Merville Subd. Brgy. Dampalit. Pinaghahanap […]
-
Valenzuela, DSWD namahagi ng livelihood grants sa mga biktima ng sunog
NAKATANGGAP ng Livelihood Settlement Grant (LSG) ang mga biktima ng sunog sa barangay Arkong Bato at Malinta mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamumuno ni Mayor WES Gatchalian. Ang LSG ay bahagi ng Sustainable Livelihood Program ng Department of Social Welfare and […]
-
Alapag pinasalamatan ang Kings organization
Pinasalamatan ni dating PBA player at Gilas Pilipinas team captain Jimmy Alapag ang Sacramento Kings organization matapos angkinin ang korona ng katatapos na NBA Summer League sa Las Vegas, Nevada. “What an amazing experience here in Vegas for the NBA Summer League!!” wika ni Alapag kahapon sa kanyang Instagram account. Ito […]