• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BANGKAY SA BAKANTENG LOTE SA TARLAC, NATUKOY NA

NATUKOY  na  sa pamamagitan ng DNA test  ang natagpuang bangkay  sa  isang bakanteng lote sa  Capas,Tarlac  na si Normandie Pizarro na isang retirado nang  Court  of Appeals Justice .

 

Ito ang kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) makalipas ang halos dalawang buwan mula nang matagpuan ang bangkay .

 

Ayon kay NBI OIC Director Eric Distor , ang  bangkay na nakita sa Capas, Tarlac noong October 30 ay hindi agad nakilala dahil  tinanggal ang mga daliri bukod pa sa pinutol ang isang kamay nito upang mawala ang kanyang finger print.

 

Nabatid na maliban sa DNA test ay isinailalim din sa iba pang pagsusuri ang bangkay upang masiguro ang kanyang  pagkakilanlan tulad ng dental records nito na nag-match sa nakalap na ebidensya ng forensic team ng NBI.

 

Batay sa inisyal na imbestigasyon,  si Pizarro ay brutal na pinatay  sa Tarlac pitong araw bago ito matagpuang bangkay noong October 30  gayundin ang inabandonang sasakyan nito sa San Simon na may bahid ng dugo. (GENE ADSUARA)

Other News
  • NAVOTAS NAGBIGAY NG CASH AYUDA SA BARANGAY HEALTH WORKERS

    Nagbigay ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng tulong cash na nagkakahalaga ng P1.04 milyon sa mga miyembro ng Barangay Health Emergency Response Teams (BHERT).   Nasa 208 barangay health workers, na nagbigay ng kanilang serbisyo ng hindi bababa sa tatlong buwan ang nakatanggap ng tig-P5,000 sa bisa ng City Ordinance No. 2020-40.   “Mula noong […]

  • PBBM pumalag: Anti wang-wang policy, iba kay PNoy

    PINALAGAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagkukumpara sa pagitan ng kanyang anti-wang-wang policy at kay dating Pangulong Benigno Aquino III, nagpatupad ng kahalintulad na kautusan noong panahon ng kanyang termino.     Nilinaw ni Pangulong Marcos na ang kamakailan lamang na nilagdaan niyang Executive Order No. 56 ay hindi lamang para sa pagbabawal ng […]

  • PDu30, gumawa ng “tamang desisyon” nang ianunsyo na magreretiro na mula sa politika

    SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na gumawa siya ng tamang desisyon nang ianunsyo niya na magreretiro na siya mula sa politika.   Ang pahayag na ito ng Pangulo ay tugon sa bumabang satisfaction rating base sa pinakabagong Social Weather Stations (SWS) survey results.   Makikita kasi sa SWS poll results na ang satisfaction rating […]