CHR, pinanindigan ang kahalagahan ng due process at rule of law
- Published on June 22, 2023
- by @peoplesbalita
BINIGYANG-DIIN ng Commission on Human Rights (CHR) na kailangang manatiling pinakamahalaga sa lahat ang “due process at rule of law” upang matiyak ang pananagutan mula sa national police.
Ito’y matapos na sabihin ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na barilin ang lahat ng mga pulis na mapapatunayang sangkot sa ilegal na droga.
“The State has the duty to uphold the supreme right to life without exception,” ayon sa kalatas ng CHR.
“Resortimg to killing only serves to perpetuate the culture of vigilantism and violence, which can further result in the breakdown of the rule of law,” ang nakasaad pa rin sa kalatas.
Habang nagpahayag naman ng kanyang suporta ang human rights commission para sa reform programs sa loob ng Philippine National Police (PNP), hinikayat naman nito na ang “necessitate lawful methods to maintain the state’s integrity, credibility, and moral ascendancy.”
“This includes ensuring genuine and full accountability by filling cases in court against suspected erring police officers and through the imposition of criminal-legal sanctions to those who are proven guilty,” ayon sa CHR.
“As part of the PNP’s sworn obligation, this will also help demonstrate the institution’s commitment to human rights and rule of law and in alignment with it’s philosophy of “Servic, Honor, and Justice,” dagdag pa ng CHR.
Samantala, handa si Mr. Duterte na pangalanan ang sangkot na mga heneral sa ilegal na droga.
Sa programang “Gikan sa Masa, Para sa Masa”, ipinakita ng dating Pangulo ang kaniyang pagkadismaya at isiniwalat na marami nang tiwali na nakapasok sa pulisya kabilang na ang mga matataas na opisyal nito.
Ani Duterte, handa niyang pangalanan ang mga heneral at iba pang matataas na ranggo na pinaniniwalaan niyang sangkot sa korapsiyon at droga.
Naniniwala si dating Pangulong Duterte na mismong mga pulis ay sangkot na sa droga kaya hanggang ngayon ay wala silang maiturong suspek sa nakumpiskang 990 kilo ng shabu noong Oktubre 2022.
Binigyang-diin naman muli ni Duterte na ang tanging solusyon dito ay mag-resign na ang mga pulis na sangkot sa nasabing cover-up.
Aniya, kung siya lang ay hahayaan na muna niya ang militar ang mamahala at magpanatili ng kaayusan sa bansa dahil mas may kumpiyansa siya ngayon sa mga sundalo. (Daris Jose)
-
Gross domestic product sa Pilipinas inaasahang lalago – World Bank
KUMPIYANSA ang World Bank na makakabawi ang Pilipinas sa consumption Ang consumption o pagkonsumo ay tumutukoy sa mga private consumption expenditures o paggasta ng mga mamimili. Sa ulat ng East Asia at Pacific Economic Update Oktubre 2022 na inilabas, inaasahan na ngayon ng World Bank ang paglago ng gross domestic product (GDP) ng […]
-
Ultimatum sa 7 OVP officials: Dumalo o aresto
DUMALO o aresto! Ito ang ipinalabas na ultimatum ng House Committee on Good Government and Public Accountability laban sa mga opisyal ng Office of the Vice President (OVP) na inisyuhan ng subpoena para dumalo sa nakatakdang pagdinig ng komite ngayong Lunes, Nobyembre 11. Ang House Blue Ribbon ay nag-iimbestiga sa umano’y maling paggamit ng P612.5 […]
-
Saldaña pinamamalimos para sa pagpapagamot
NASA hindi mabuting kalagayan sa kasalukuyan six-time Philippine Basketball Association (PBA) champion at two-time Barangay Ginebra San Miguel player Antero ‘Terry’ Saldana. Ipinaskil sa Facebook page nitong Linggo ni Gil Boylie Ibasan Lopez, ang kaawa-awang sitwasyon ng 63 taong-gulang na, 6-3 ang taas na ex-pro kung saan nasa wheelchair na may mga sugat […]