P1.3B halaga ng tulong para sa 90-day Mayon response; mga bakwit, nagkasakit-OCD
- Published on June 24, 2023
- by @peoplesbalita
MAHIGIT sa P1.3 bilyong halaga ng relief assistance ang inihanda na ng national government para tugunan ang pangangailangan ng mga residente na apektado ng pag-aalboroto ng Bulkang Mayon sa loob ng 90 araw.
Sinabi ni Office of Civil Defense (OCD) Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno, mayroong “constant communication” ang mga concerned national government agencies at local government units (LGUs) para i-coordinate ang kanilang gagawing pagtugon sa gitna ng pag-aalboroto ng Bulkan at kalusugan ng mga indibidwal na apektado sa Albay.
“Ang paghahanda po namin ay nasa 90 days ang tinitignan natin. Kung matapos nang maaga, mas mabuti po iyon pero dapat handa po ang pamahalaan, national government at local government sa minimum of 90 days,” ayon kay Nepomuceno.
“Nakapreposition po ang pamahalaan ng mahigit P1.3 billion worth of assistance. Ito ‘yung pagkain, hygiene kits, at iba pang pangangailangan lalo na ang tubig,” dagdag na pahayag nito.
Ang 90-day preparation ayon kay Nepomuceno ay batay sa nakalipas na karanasan ng Albay local government nang pumutok ang Bulkan noong 2014 at 2018.
“Naging 90 days ‘yung nangyari na nagtagal sa Level 3 at pumitik pa sa Level 4 ‘yung sitwasyon kaya dapat ready po,” pag-alala ni Nepomuceno.
Sa kasalukuyan, nasa Alert Level 3 ang Bulkang Mayon at may kabuuang 10,146 pamilya o 38,961 indibidwal mula sa Bacacay, Camalig, Ligao, Daraga, Guinobatan, Malilipot, Sto. Domingo, at Tabaco ang labis na naapektuhan ng nagpapatuloy na volcanic activities sa Mayon.
Sa nasabing bilang, may kabuuang 5,466 pamilya o 18,892 ang nananatili sa 28 evacuation centers.
“Ang maaaring challenging lang po from Level 3 kapag ginawang Level 4 hanggang level 5 ng Phivolcs [Philippine Institute of Volcanology and Seismology], halos mado-doble po ang ating mga aalalayan sa evacuation centers,” ang paliwanag ni Nepomuceno.
Aniya, kung ang alert level ay itinaas, ang mga nakatira sa extended Permanent Danger Zone (PDZ) ay kailangan na ilikas.
Samantala, may kabuuang 628 bakwit ang kailangan ng medical attention dahil sa iba’t ibang sakit na nakuha ng mga ito.
Ito’y base sa monitoring ng OCD mula Hunyo 12 hanggang 17.
Ang top 10 most common illnesses na naranasan ng mga bakwit ay ubo at sipon, lagnat, acute respiratory infection, sakit ng ulo, hypertension, pagkahilo, skin disease, abdominal pain, at acute gastroenteritis.
Sinabi ni OCD spokesperson Bernardo Rafaelito Alejandro IV na hindi naman ito dapat na maging “cause for concern” dahil nananatiling “manageable” ang sitwasyon.
“There’s no outbreak [of diseases],” ayon kay Alejandro sabay sabing “The Department of Health is conducting medical missions to distribute medicines, do checkups, and isolate those who have cold and fever.” (Daris Jose)
-
Chile nakapasok sa Rugby World Cup sa unang pagkakataon
NAKAPASOK sa Rugby World Cup ang bansang Chile. Ito ang unang pagkakataon na makapasok ang nasabing bansa ng talunin nila ang US sa score na 31-29 sa laro na ginanap sa Colorado. Naging bida sa panalo si Santiago Videla na siyang nagselyado ng nasabing laro. Dahil dito ay kabilang […]
-
Malakanyang, nagbigay ng paglilinaw sa anti-terrorism bill
Naniniwala si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang anti-terrorism bill na pinapayagan ang mga awtoridad na ikulong ang mga suspek kahit walang pagsasakdal ng dalawang linggo ay hindi paglabag sa Saligang Batas. Ani Presidential spokesperson Harry Roque na pinapayagan ng Revised Penal Code ang 36-hour pre-trial detention sa terror suspects para maiwasan na makatakas […]
-
Giit na walang nangyaring plundemic sa govt funds: Sec. Roque, niresbakan si Senador Pacquiao
KAAGAD na binutata ng Malakanyang ang tila pinauuso ni Senador Emmanuel “Manny” Pacquiao na salitang “plundemic” o plunder sa public funds habang patuloy na nakikipaglaban ang pamahalaan sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic. Giit ni Presidential Spokesperson Harry Roque, walang nangyaring pandarambong sa public funds sa panahon ng covid-19 pandemic. Sinabi kasi ni […]