Malakanyang, nagbigay ng paglilinaw sa anti-terrorism bill
- Published on June 25, 2020
- by @peoplesbalita
Naniniwala si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang anti-terrorism bill na pinapayagan ang mga awtoridad na ikulong ang mga suspek kahit walang pagsasakdal ng dalawang linggo ay hindi paglabag sa Saligang Batas.
Ani Presidential spokesperson Harry Roque na pinapayagan ng Revised Penal Code ang 36-hour pre-trial detention sa terror suspects para maiwasan na makatakas ito at masira ang ebidensiya.
“As a [former] trial fiscal, there’s one issue that he has no problems with: that is pre-trial detention,” ayon kay Sec. Roque.
“He does not feel that the 14-day period is actually a violation of the constitutional provision that a warrant of arrest can only be issued by a judge because the law does not change that constitutional rule,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.
Ang batas, na inaabangang titintahan ng Pangulo ay naglalayon din na payagan ang pamahalaan na i- wiretap ang mga suspects at arestuhin ang mga ito ng walang warrant, bukod pa sa ibang probisyon.
Sa kabilang dako, nakatakdang magdesisyon ang Pangulo kung lalagdaan o hindi ang batas isang araw o dalawa matapos na matanggap nito ang rekomendasyon ni Executive Secretary Salvador Medialdea.
“Barring constitutional infirmities, he is inclined to sign it but he wants to see the bill. He wants to make a personal determination,” ayon kay Sec. Roque. (Daris Jose)
-
MGA HEALTH WORKERS MAY KARAPATANG MAMILI NG BRAND NG BAKUNA
PINAHIHINTULUTAN ang mga healthcare workers na pumili ng brand ng bakuna para sa booster shots depende sa availability nito. Ayon ito sa National Vaccination Operations Center (NVOC) ngayong Miyerkules. Sa memorandum, ang mga indibidwal na nakategorya bilang Priority Group A1: Essential Workers in Frontline Health Services (A1.1 hanggang A1.7) ay karapat-dapat na mabigyan […]
-
Anak nina JOHN LLOYD at ELLEN, ‘di na tinatago at kampante na kay DEREK
KUNG gaano halos itinatago noon ang mukha ni Elias, ang anak nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna sa social media, ngayon ay out na out na ito sa mga video ni Ellen. Maging si Derek Ramsay ay nagpo-post ng video na kasama sina Ellen at anak nito. Nakahiga sila sa kama, nakagitna si […]
-
NBA stars aatras sa Tokyo Olympics, takot sa coronavirus
Inamin ni Golden State Warriors coach Steve Kerr, magsisilbing assistant coach ni Gregg Popovich para sa USA Basketball Team, na hindi nito tiyak kung may mga National Basketball Association (NBA) star na lalaro sa Tokyo Olympics dahil sa pangamba sa coronavirus. Bukod pa rito, wala pa silang ideya kaugnay sa palaro dahil wala pa umano silang nakukuhang konkretong impormasyon mula sa organizer ng Olympics. […]