• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pormal na dayalogo sa isyu ng nurses shortage sa government hospitals, gawin

HINIKAYAT  ng chairman ng House Committee on labor and employment ang pagsasagawa ng dayalogo upang matugunan ang kakulangan sa nurses sa mga government hospitals sa bansa.

 

 

Ayon kay Rizal Rep. Fidel Nograles, chairman ng komite na una dapat magsagawa muna  ng dayalogo at magbuo ng istratehiya para mabigyan ng long term solution ang shortage.

 

 

Ang pahayag ng mambabatas ay kasunod ng panukala ni Health Secretary Teodoro Herbosa na kunin ang serbisyo ng mga hindi pa lisensiyadong nurses para punan ang mga bakante sa public health institutions.

 

 

Umani ito ng reaksyon sa ibang sector.

 

 

Nilinaw ng Professional Regulation Commission na hindi maaaring bigyan ng temporary o special licenses at magtrabaho sa government hospitals ang mga nursing graduates na bumagsak sa board exam.

 

 

Sinabi ni Nograles na naiwasan sana na nagkaroon ng isyu kung nagkaroon ng konsultasyon sa mga stakeholders.

 

 

Kabilang na rito ang mga government agencies tulad ng Department of Health, Department of Labor and Employment, budget department, at local government units, at iba pang stakeholders sa health sector.

 

 

“Kailangan pag-usapan ang mga isyu gaya ng nurse to patient ratio, working hours, salary, at iba pa. What is stopping us from hiring more nurses? Let’s identify these barriers and closely collaborate to find a solution that we can implement,” pahayag nito.

 

 

Handa rin ang mambabatas na sumali sa posibleng talakayan bilang miyembro ng kongreso.

 

 

“Sasama tayo para magbigay ng suporta, lalong-lalo na kung makita na kailangan natin ng batas na magtataguyod sa mga solusyong maiisip natin,” pagtatapos ni Nograles. (ARA ROMERO)

Other News
  • MOU para i-to develop ang New Clark City kabilang sa tinintahan ng Pinas, Singapore

    KAPWA pinirmahan ng Pilipinas at Singapore ang iba’t ibang  memoranda of understanding (MOU) at agreements sa isinagawang state visit  ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Singapore.     Maliban sa MOU sa digital cooperation, data protection at recruitment ng mga  Filipino healthcare workers, ang iba pang kasunduan na nilagdaan ay ang kolaborasyon ng  “business opportunities” […]

  • COVID-19 cases sa bansa nasa 3,749, highest sa halos kalahating taon

    Nakapag-ulat ang Department of Health (DOH) ng 3,749 bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) ngayong Huwebes, bagay na nag-aakyat sa kabuuang local infections sa 607,048.     Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:   lahat ng kaso: 607,048 nagpapagaling […]

  • Allowances ng mga national athletes at coaches babawasan na

    Ipinaliwanag ng Philippine Sports Commission ang pagbabawas sa mga allowances ng mga national athletes at coaches.   Sinabi ni PSC chairman William Ramirez, na simula ngayong Hunyo 1 ay ipapatupad na nila ang pagbawas sa mga allowances ng mga national athtletes at coaches.   Nagkaroon aniya hindi paggalaw sa National Sports Development Fund mula sa […]