• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, aprubado ang national innovation agenda

INAPRUBAHAN ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr., chairman  National Innovation Council (NIC), ang  National Innovation Agenda and Strategy Document (NIASD) 2023-2032.

 

 

Sa isang kalatas, sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na NIASD 2023-2032 ang babalangkas sa plano ng bansa para pagbutihin ang innovation governance at  ang pagtatatag ng  dynamic innovation ecosystem.

 

 

Ang Malakanyang, sa isinagawang  5th NIC meeting,  ipinresenta ng National Economic and Development Authority (NEDA) Undersecretary for Policy and Planning Rosemarie Edillon ang “rationale at features” ng NIASD.

 

 

“The future, even the near future, is expected to be volatile, uncertain, complex, and ambiguous. Developing a dynamic innovation ecosystem is critical to achieving our AmBisyon Natin 2040 of a matatag, maginhawa at panatag na buhay for all Filipinos,” ayon kay Edillon.

 

 

“The NIASD characterizes a dynamic innovation ecosystem as one that fosters a pervasive culture of innovation driven by market demands,” ayon sa PCO.

 

 

Pinabilis din ng estratehiya ang kolaborasyon sa pamamagitan ng “active, reliable, at useful platforms,” at nagbigay ng  “innovation actors with the necessary facilities and resources to transform their ideas into innovative products and services.”

 

 

Idagdag pa rito,  kinonekta ang  innovator-entrepreneur sa potential investors at funders.

 

 

Para naman kay  NEDA Secretary Arsenio Balisacan, vice-chairman ng  NIC, ang pagtatatag ng   dynamic innovation ecosystem ay isa sa anim na cross-cutting strategies sa transformation agenda na kinilala ng  Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028 para makamit ang “prosperous, inclusive, at resilient society.”

 

 

“Chapter 8 of the PDP elaborates on this strategy by situating it within the continuum of research and development, innovation, technology adoption, then commercialization” ayon kay Balisacan.

 

 

Ang  NIC ay may 25-member policy advisory body na binubuo ng 16 department secretaries at 7 executive members mula sa pribadong sektor. (Daris Jose)

Other News
  • HALOS P35 MILYON SHABU NASABAT SA CALOOCAN BUY-BUST

    PINURI ni Philippine National Police (PNP) chief P/Gen. Debold Sinas ang Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit sa matagumpay nilang drug operation na nagresulta sa pagkakakumpiska sa halos P35 milyon halaga ng shabu mula sa isang grab driver na hinihinalang big-time drug pusher na nasakote sa buy-bust operation sa Caloocan City.   Kinilala ni Northern […]

  • Ilang miyembro ng Paralympic team positibo sa COVID-19

    Bagama’t may nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) ay natuloy pa rin ang biyahe ng limang national para athletes kahapon para lumahok sa Paralympic Games sa Tokyo, Japan.     Sinabi kahapon ni Phi­lippine Paralympic Committee (PPC) president Mike Barredo na isang para athlete at ilang opisyales at coaches ang COVID-19 positive. Hindi binanggit ni Barredo […]

  • No regrets sa nangyari sa kanila: JENNIFER LOPEZ, nag-open up sa divorce nila ni BEN AFFLECK

    ANG drag artist na taga-Santa Ana, Manila na si Maxie ang kinoronahan na Next Drag Superstar sa season 3 ng Drag Race Philippines.     Sa naganap na finale, nakatapat ng three-time Ru Badge winner sa Lipsync for the Crown ay ang provincial queen na si Khianna of Cagayan de Oro. Ni-lipsync nila ang song […]