• April 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

HALOS P35 MILYON SHABU NASABAT SA CALOOCAN BUY-BUST

PINURI ni Philippine National Police (PNP) chief P/Gen. Debold Sinas ang Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit sa matagumpay nilang drug operation na nagresulta sa pagkakakumpiska sa halos P35 milyon halaga ng shabu mula sa isang grab driver na hinihinalang big-time drug pusher na nasakote sa buy-bust operation sa Caloocan City.

 

Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director PBGen. Eliseo Cruz ang naareatong suspek na si Uriel Hewe Jr., 31, (watchlisted) ng Block 15, Lot 7, Mangga St., Amparo Subdivision Brgy. 179.

 

Sa report ni PBGen. Cruz kay NCRPO Chief PBGen. Vicente Dano Jr., alas-3 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Caloocan Police SDEU sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo, kasama ang Amparo Police Sub-Station sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Samuel Mina Jr. sa bahay ng suspek na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya.

 

Ani Col. Mina, narekober sa suspek ang aabot sa 5 kilos at 100 gramo ng hinihinalang shabu na tinayatayang nasa P34,680,000.00, buy bust money na binubuo ng 2 tunay na P1,000 at 138 piraso boodle money, isang cal. 45 pistol na may magazine at 4 na bala, digital weighing scale, cellphone at P10,150 cash.

 

Sinabi ni NCRPO Chief Danao na nag-ugat ang operation dahil sa impormasyon mula sa concerned citizen na ipinadala sa NCRPO SMS Compliance Monitoring System hinggil sa ilegal na aktibidad ng suspek.

 

“Kung ayaw niyo tumigil sa droga at talagang ginawa niyo nang hanapbuhay yan eh ikamamatay niyo Yan, Swerte ito buhay dahil hindi lumaban!” babala ni RD Danao sa mga ayaw maglubay sa droga.

 

Inaalam pa ng pulisya kung may kaugnayan ang suspek sa grupong nasakote din ng Caloocan Police SDEU kamakailan na nahulihan ng 26 kilos ng shabu. (Richard Mesa)

Other News
  • VCMs at mga balotang gagamitin sa May 9 polls, nai-deliver – Comelec

    NAI-DELIVER na sa lahat ng polling precincts ang mga vote counting machines (VCMs) at official ballots na gagamitin sa May 9 elections.     Sinabi ni Comelec Commissioner Aimee Ferolino na maliban sa mga VCMs at balota ay naipadala na rin ang mga ballot boxes, Broadband Global Area Network at Consolidated Canvassing System (CSS) kits […]

  • PSL beach volleyball dinagsa ng suporta

    SANGKATERBA ang mga suporta sa 6th Philippine SuperLiga o PSL Challenge Cup beach volleyball tournament 2020 sa Nobyembre 26-29 sa Subic Freeport.   Nabatid ng OD kay PSL chairman Philip Ella Juico, na maayos ang team owners meeting sa nakaraang Lunes at kumpiyansa siyang magiging ligtas at maaksyong torneo sa harap ng Coronavirus Disease o […]

  • 2 bagong kaso ng COVID-19 kinumpirma ng DOH

    MAYROONG panibagong dalawang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas kung saan sa kabuuan ay meron nang lima ang naitatala sa bansa. Ito ang kinumpirma ng Department of Health (DOH) kahapon, Marso 6.   Sa ginanap na press briefing, iniulat ni Health Secretary Francisco Duque III na kabilang sa ikaapat na bagong kaso ay isang […]