AFP binago ang kanilang military acquisition plan, Horizon 3 magsisimula ngayong 2023
- Published on July 11, 2023
- by @peoplesbalita
TINIYAK ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na gagawin ng kaniyang administrasyon ang lahat para makahabol sa modernization program ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kasunod ng mga delays dahil sa Covid-19 pandemic.
“Kung ano ‘yung schedule natin medyo naatras lang nang kaunti because of the pandemic. But now, we are proceeding back to our established schedule. Hopefully, we will catch up and, in a year, maybe two, we will already be back to where we were supposed to be at that time before the pandemic,” pahayag ng Pang. Marcos Jr.
Sinabi ng Pangulo na nakipag-usap siya sa mga commander ng AFP partikular sa Chief of Staff dahil sa pangangailangang tugunan ang kasalukuyang mga hamon na kinakaharap ng bansa.
Sinabi ng Pangulo na ang isa sa pinakamahalagang bagay ay ang pagsasanay sa mga miyembro ng pwersang panseguridad.
Ngayong taon magsisimula na ang Horizon 3. (Daris Jose)
-
Sangley Airport, pinasinayanan ni Duterte
PINASINAYANAN ni President Rodrigo Duterte ang Sangley Airport development project na may layuning maibsan ang flight delays at air traffic congestion sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na sa ngayon ay ongoing pa rin ang construction ng bagong commercial airport kung saan ito ay nakikitang magiging isang international hub. “I vowed to ride my […]
-
Jay Sonza, arestado sa illegal recruitment
DINAKIP ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang dating broadcaster na si Jay Sonza makaraang masangkot sa syndicated at large-scale illegal recruitment. Isinuko ng BI sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) si Sonza saka inilipat sa Bureau of Jail Management and Penology, ayon kay NBI Assistant Director Glenn Ricarte. […]
-
Mas lalamig pa ang panahon sa sunod na linggo – PAGASA
TINATAYA ng PAGASA na mas lalamig pa ang panahon sa susunod na linggo. Ayon kay Joey Figuracion, climatologist ng PAGASA, ang kasalukuyang epekto ng panahon sa ngayon ay hihigitan pa ng malamig na panahon sa sunod na linggo dahil sa amihan surge o bumabang temperatura. “Itong current na nararanasan natin na […]