PBBM, pinuri ang PH-FRANCE direct flight initiatives, scholarship programs para sa mga Filipino student
- Published on July 14, 2023
- by @peoplesbalita
PINURI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang inisyatiba ng French government na buksan ang direct flight mula Manila patungong Paris at plano nito na palakasin ang scholarship programs para sa mga Filipino students.
Pinasalamatan ng Pangulo si outgoing French Ambassador to the Philippines HE Michèle Boccoz na ipinabatid sa Pangulo ang plano na buksan ang direct flight at palakasin ang scholarship programs.
Sa kabilang dako, pinuri rin ng Pangulo si Boccoz para sa lahat ng magagandang bagay na nagawa nito para palakasin ang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.
“It is something new for our two countries to have these relationships now. I’m sure that there’s something that will grow rapidly within the next two years. Those are the things that I think we can merge. I think we can make a good start,” ang sinabi ni Pangulong Marcos kay Boccoz sa farewell call sa Palasyo ng Malakanyang, matapos ang isnag taon mula nang ipresenta niya ang kanyang credentials sa Pangulo noong Mayo 30, 2022.
Sinabi pa ni Boccoz, na labis na pinapahalagahan ng French government ang mapagmahal at pagiging hospitable ng mga Filipino.
Nagsilbi itong Ambassador of France to the Philippines simujla Pebrero 10, 2021.
Ipinaalam ni Boccoz sa Pangulo ang mga plano na buksan ang direct flight mula Manila at scholarship programs para sa mga Filipino students na dapat na palakasin.
Sinabi nito na ang “French government is working closely on promoting their student exchange or scholarship programs to encourage more Filipino students to study in Paris as she believes that the Philippines has many gifted and dynamic students.”
“It is also something that we’re really promoting, to have more students in all areas in Science, in Engineering and Technologies and all of the areas because there’s so many gifted—very, very gifted people. And the young generation is so dynamic in this country and I’m sure there’ll be many, many opportunities to increase the relationship in all those areas, and to go to the next step of our relation,” ani Boccoz.
“There are many things going on and one of them, I understand, we will have in the near future a direct flight from Manila to Paris and that’s also in progress,” ang sinabi ni Boccoz sa Pangulo.
Kumpiyansa naman si Pangulong Marcos na ipagpapatuloy ni Boccoz ang nasimulan sa Pilipinas.
Sa nasabing farewell call, sinabi ng Pangulo kaay Boccoz na siya ay “warmly welcome” na muling bistahin ang Pilipinas. (Daris Jose)
-
Bersamina gold sa Asian chess board 3
PINANGIBABAWAN ni International Master Paulo Bersamina ang impresibong ipinakita ng Pilipinas sa individual board awards sa patuloy ding ginaganap na Asian Nations Online Chess Cup nang makasakote ng gold medal sa board three. Umiskor ang 22 taong-gulang na Pinoy woodpusher ng 7.0 points sa likod ng six wins at two draws at loss sa […]
-
164 patay sa anti-government protest sa Kazakhstan
UMABOT sa 164 katao ang napatay sa anti-government protest sa Kazakhstan. Nahigitan nito ang dating bilang na nasawi na mayroong 44. Mahigit 6,000 katao na rin ang inaresto dahil sa nasabing kilos prostesta. Magugunitang nagsimula ang nasabing kilos protesta dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis. […]
-
Roach hanga kay Marcial; gold sa Olympics, makukuha
KUMPIYANSA si Hall of Fame trainer Freddie Roach na masusungkit ni Pinoy boxer Eumir Marcial ang inaasam nitong gintong medalya sa Olympics. Kasalukuyang nasa Los Angeles si Marcial upang hasain ang kanyang boxing talent sa ilalim ni Roach para sa paparating nitong professional debut fight at sa pagsabak nito sa 2021 Olympics. “Eumir […]