• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

IMMIGRATION, INILAGAY SA HEIGHTENED ALERT NGAYON HOLIDAY SEASON

INILAGAY sa heightened alert ng Bureau of Immigration ang lahat ng kanilang mga tauhan sa iba’t ibang ports of entry nitong holiday season.

 

Dahil dito, ipinag-utos ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang kanyang mga immigration officers na naka-deploy sa iba’t ibang international airports at seaports na magdagdag ng karagdagang pagbabantay sa mga padating at palabas na mga mananakay.

 

“This is to ensure that our campaign to thwart the entry of illegal aliens and prevent the departure of trafficking victims is not compromised during this Christmas season,”  ayon kay Morente.

 

Binalaan din ni Morente ang mga sindikato ng human smuggling at human trafficking na namamantala ngayon Kapaskuhan sa kabila ng pandemiya.

 

“Do not even try because our officers at the airports will surely foil any attempts by these syndicates to ply their racket,” ayon sa  BI chief.

 

Binanggit dito ni Morente ang kaso ng ilang dayuhan na nahulia sa airport sa Manila at Cebus dahil sa mga pekeng dokumento gayundin ang isang nasabat na biktima ng human trafficking sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kung saan isang pasahero ang nagtangkang lumabas ng bansa at nagpanggap na turista gamit ang mga pekeng dokumento.

 

“These tricks will not work as our immigration officers are trained in passengers assessment and detecting fraudulent travel documents,” ayon pa kay  Morente. (GENE ADSUARA )

Other News
  • Nagandahan sa kanya nang magbihis-babae… XIAN, natuwa at nagpasalamat sa suporta ng kanyang ina

    NAGING very professional si new Kapuso leading man Xian Lim.     Siya ang isang actor na hindi tumatanggi sa role na ibinibigay sa kanya. This week nga ay pasabog ang finale ng GMA Primetime series na False Positive nila ni Kapuso actress Glaiza de Castro.     Last Monday nga nagsimula nang mapanood si […]

  • Police power kailangan laban sa agri smugglers- DA exec

    BINIGYANG diin ng Department of Agriculture (DA) ang pangangailangan para sa ahensiya na mabigyan ng police power para arestuhin at kasuhan ang mga smugglers sa bansa, maging ito man ay technical o outright.     Iginiit ni Agriculture Undersecretary Fermin Dantes Adriano na limitado kasi ang kanilang kapangyarihan sa ilalim ng batas at umaasa lamang […]

  • Galvez, itinalagang Vaccine Czar ni PDu30

    ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si National Task Force (NTF) on COVID-19 chief implementer Carlito Galvez Jr. bilang vaccine czar ng bansa.   Si Pangulong Duterte mismo ang nag-anunsyo sa idinaos na televised meeting kasama ang mga key officials ng pamahalaan.   “Pagbili ng bakuna, the negotiation, manufacture, production, or distribution, binigay ko ‘yan […]