Galvez, itinalagang Vaccine Czar ni PDu30
- Published on November 4, 2020
- by @peoplesbalita
ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si National Task Force (NTF) on COVID-19 chief implementer Carlito Galvez Jr. bilang vaccine czar ng bansa.
Si Pangulong Duterte mismo ang nag-anunsyo sa idinaos na televised meeting kasama ang mga key officials ng pamahalaan.
“Pagbili ng bakuna, the negotiation, manufacture, production, or distribution, binigay ko ‘yan kay Secretary Galvez. So only Secretary Galvez is authorized to negotiate or whatever. Isa lang,” ayon kay Pangulong Duterte.
Binigyang diin ng Chief Executive na nais niya ang ‘single line of authority’ pagdating sa pagbili ng inaasahan ng bakuna laban sa COVID-19.
“Ayaw ko ‘yang committee, committee. Matagal ‘yan. I have great faith in Charlie to really come up with the solutions for the problem,” dagdag na pahayag nito.
Kaugnay nito, kinumpirma naman ni Presidential spokesperson Harry Roque ang pagkakatalaga kay Galvez bilang vaccine czar.
Sa ulat, iminungkahi ni Senate Pro Tempore Ralph Recto sa Malacañang na magtalaga ng vaccine czar na titiyak sa access sa COVID-19 vaccine ng tinatayang 110-million na Pilipino oras na ito ay mailabas sa merkado.
Ayon kay Recto, reresolbahin ng vaccine czar ang mga hamon sa importation hanggang sa injection.
Batid kasi ng senador na marami nang mayayaman na bansa na pumopondo sa development ng vaccine ang unang makakakuha ng suplay.
Pwede rin aniya simulan ng vaccine czar ang pag-set up ng “supply-to-syringe cold chain” na may freezing temperatures para may mapaglagyan ang mga bakuna.
Matatandaan na sinabi ng Malacañang na maaaring magkaroon ng logistical challenge ang bansa sa distribusyon ng COVID-19 vaccine doses sa mga Pilipino oras na ito ay maging available. (Daris Jose)
-
Lolo tigbak sa mixer truck
Todas ang isang 64-anyos na lolo matapos mahagip ng mabilis ang takbo na mixer truck sa Caloocan city, kamakalawa ng hapon. Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Samuel Mina, binawian ng buhay habang ginagamot sa Jose Reyes Medical Center sanhi ng tinamong pinsala sa ulo ang katawan ang biktimang si Joey Maguire ng […]
-
10 pm nationwide curfew sa menor-de-edad, isinulong
MULING inihain sa Kongreso ni Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera- Dy ang bill na pagpapatupad ng curfew sa mga menor-de-edad. Sa ilalim House Bill 1016, layong ipagbawal ang paggala ng mga menor-de-edad mula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga. Ayon kay Herrera-Dy, hindi lamang pagbabawal ito sa mga minors kundi […]
-
Ads October 19, 2021