• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Payag maging kapatid o kahit alalay ng aktres: JESSY, wish makatrabaho si MARIAN at si DINGDONG

WISH pala ni Jessy Mendiola, sa muling pagbabalik-acting niya ay makasama niya ang Kapuso Royal Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.  Biro pa niya “kahit maging PA (personal assistant) lamang nila, payag ako.”  Nasabi ito ni Jessy sa interview niya sa grand opening ng Manila Diamond Studio na siya ang celebrity endorser.  

 

 

Pwede nga raw silang gumanap na magkapatid ni Marian sa isang project, dahil pareho silang mestiza.  Natuwa si Jessy at dagdag pa niya, kahit alalay lang siya ni Marian, tatanggapin niya.

 

 

“Hanga ako talaga sa kanya at sa family niya, pina-follow ko sila sa social media and I look up to her,” sabi pa ni Jessy.

 

 

“Natutuwa ako sa pag-aalaga niya sa mga anak niya, she’s a hands-on mom.  I also think she’s a good actress, ‘di ba she’s a queen, kaya gusto kong maranasang makatrabaho siya.

 

 

“Kaya sa mga Kapuso actors, gusto ko ring makatrabaho ang husband niyang si Dingdong Dantes. Minsan ko nang na-meet si Dingdong and he’s so kind kaya sana one day ay makatrabaho ko rin siya.”

 

 

Very soon ay malamang magbalik-acting na rin si Jessy, naipangako rin kasi niya noon na gusto muna niyang tutukan ang paglaki ng anak nila ni Luis Manzano na si Isabella Rose.

 

 

                                                            ***

 

 

NAGKAGULATAN ang dating magkasama sa Kapuso Network na sina Barbie Forteza at Bea Binene, nang minsang nagkita sila in an unplanned salon encounter.

 

 

On Instagram, nag-post si Bea ng photo nila ni Barbie with a caption na “sa Posh Nails lang pala tayo magkikita, nice seeing you, Barbs!  Na-miss kitaaa!!! See you again soon, pls!”

 

 

Sinagot naman ito ni Barbie ng “Yes, pagbalik mo ha!”

 

 

Nag-comment naman ang mga fans nila na na-miss daw nilang mapanood ang dalawa sa isang drama, dahil ang tagal na rin nung huling nagkasama sila sa isang serye sa GMA Network.

 

 

Sa ngayon kasi, si Bea ay under na ng Viva Films, matapos na hindi na siya nag-renew ng contract sa GMA Network noong time ng pandemic. Naging busy naman si Barbie, nang gawin niya ang “Maria Clara at Ibarra” na tumagal dahil na-extend pa ang historical fantasy portal, na kasama niya sina Dennis Trillo at Julie Anne San Jose at nagkaroon siya ng bagong ka-love team, si Pambansang Ginoo, David Licauco.

 

 

Sa ngayon ay nagsimula nang mag-taping si Barbie ng new GMA series nila ni David, ang remake ng pelikulang “Maging Sino Ka Man” na unang ginawa noon nina Megastar Sharon Cuneta at Robin Padilla.  Earlier this month, Barbie made waves online after her “It’s Showtime” appearance na nagsayaw sila ng “It’s Showtime” host na si Kim Chiu.

 

 

Si Bea naman, bukod sa kanyang acting career, paminsan-minsan kung free siya sa work, she serves as a barista in her Nueva Ecija café.

 

 

                                                            ***

 

 

BALIK-TAMBALAN pala ang mag-sweetheart na sina Derrick Monasterio at Elle Villanueva, sa GMA Afternoon series na “Maria Makiling” na ang story ay tungkol sa magkaibigang lumaki sa foot ng Mount Makiling.

 

 

Nauna silang nagtambal sa isa ring GMA Afternoon series na “Return to Paradise” last year.  Sa ngayon ay napapanood si Elle sa “Voltes V: Legacy” sa GMA Primetime.

 

 

Makakasama naman nina Derrick at Elle sa “Maria Makiling,” sina Kristoffer Martin at Myrtle Sarrosa at sa story conference ng serye, ipakikilala na kung sinu-sino pa ang bubuo sa cast at kung kailan sila magsisimulang mag-taping.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Jay Sonza, kinasuhan ni Julia Barreto ng Cyber Libel sa NBI

    SINAMPAHAN kahapon ng kasong paglabag sa Cybercrime case ng aktres na si Julia Barreto , ang dating broadcaster na si Jay Sonza sa National Bureau of Investigation(NBI),kahapon ng tanghali kaugnay sa pahayag nito na siya ay buntis at ang ama ay si Gerald Anderson.   “Andami ko na ring pinagdaanan, ang dami ko na rin […]

  • Djokovic nagkampeon sa Australian Open

    Inilampaso ni Novak Djokovic si Daniil Medvedev para makuha ang ika-siyam na Australian Open title.     Nagtala kasi ang world number 1 na score na 7-5, 6-2, 6-2 at nakuha ang ika-18th Grand Slam title.     Sa simula pa lamang ay paborito na manalo ang 33-anyos na Serbian tennis star kumpara sa 25-anyos […]

  • Hindi pinangarap na maging sikat na sikat: JUDY ANN, inaming nawalan ng gana sa buhay kaya nagrebelde

    PARA sa ika-100 episode ng ‘Fast Talk with Boy Abunda’ kahapon, Martes, espesyal ang naging bisita ni King of Talk Boy Abunda.   Ang multi-awarded actress na si Judy Ann Santos nga ang nakasama ni Kuya Boy para sa isang heart-to-heart talk.   Naging emosyonal ang premyadong TV host sa pagpapakilala sa tinaguriang Soap Opera […]