3 most wanted persons, nabitag sa Caloocan
- Published on August 4, 2023
- by @peoplesbalita
TATLONG most wanted persons, kabilang ang isang bebot ang arestado sa magkahiwalay na manhunt operation ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.
Sa ulat ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen Rizalito Gapas, nagsagawa ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Caloocan police sa pangunguna ni P/Major Jeraldson Rivera, katuwang 3rd MFC, RMFB-NCRPO ng joint manhunt operation kontra wanted persons.
Nadakip sa naturang operation si Elvie Cruz, 49, dakong alas-5:20 ng hapon sa kanilang lugar sa Waling-waling St., Area C, Barangay 174, Camarin, na may warrant of arrest na inisyu ni Hon. Manuel I.R.A. Barrios, Presiding Judge, RTC Branch 126, Caloocan City noong July 27, 2023, para sa Attempted Murder.
Nauna rito, nasakote din ng mga operatiba ng WSS, sa tulong ng 4th MFC RMFB-NCRPO sa joint manhunt operation, dakong alas-3:00 ng hapon sa Libis Espina St., Barangay 16, ang magkapitbahay na sina John Paul Pagulayan, 21 at Billie Alfaro, 29, kapwa ng Libis Espina St., Brgy. 16.
Ani Maj. Rivera, ang magkapitbahay na akusado ay dinakip nila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Barbara Aleli Hernandez Briones, Presiding Judge, FC Branch 1, Caloocan City noong July 26, 2023, para sa kasong Frustrated Murder.
Pansamantalang nakapiit ang mga akusado sa IDMS-WSS ng Caloocan police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte.
Pinapurihan naman ni BGen Gapas ang Caloocan police sa pamumuni ni Col. Lacuesta sa kanilang pagsisikap at walang humpay na manhunt operation kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakadakip sa mga akusado. (Richard Mesa)
-
MGA OPISYAL NAG-INSPEKSYON SA PALENGKE PARA TIYAKIN ANG PAGSUNOD SA EO 39
NAG-IKOT sa NEPA Q Mart si Department of Interior and Local Government Secretary Benjamin Benhur Abalos Jr. upang mag-inspekyon kaugnay sa unang araw ng pagpapatupad ng Executive Order Number 39 o ang kautusang nagtatakda ng price ceiling sa bigas. Matatandaan na inilabas ang EO 39 bunsod na rin ng napipintong kakapusan sa suplay ng bigas […]
-
MIYEMBRO NG “ONIE DRUG GROUP” 2 PA, TIMBOG SA P816-K SHABU
TATLONG drug personalities, kabilang ang isang miyembro ng “Onie Drug Group” ang nasakote ng mga operatiba ng Northern Police District (NPD) sa isinagawang buy-bust operation sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang naarestong mga susek na si Alfredo Boyose, 52, watchlisted, member ng “Onie Drug Group”, Rodrigo Diana, 42, (Watchlisted), at Joseph Sison, […]
-
Top political leaders nagkaisa para bumalangkas ng istratehiya para sa 2025 midterm polls
NAGKAISA ang mga top political leaders sa bansa para maglatag ng mga istratehiya para sa nalalapit na 2025 midterm elections. Ginanap ang pulong kahapon, Lunes ng gabi sa Aguado residence sa Palasyo ng Malakanyang . Ang nasabing pulong ay batay sa naging direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. […]