• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Barko ng Pinas, tinira ng tubig ng China Coast Guard

TINIRA ng water cannon ng Chinese Coast Guard ang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) na patungong Ayungin Shoal para maghatid ng suplay sa BRP Sierra Madre, nitong Sabado.

 

 

Ayon kay PCG spokesperson for the West Philippine Sea, CG Commodore Jay Tarriela, nag-escort ang PCG ng mga barko na maghahatid ng pagkain, tubig, fuel at iba pang supply para sa mga military troops na nakabase sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

 

 

Doon umano sila hinarang at tinutukan ng water cannon ng mga vessel ng CCG.

 

 

Kinondena naman ng PCG ang nasabing pambobomba ng water cannon at mapanganib na maniobra na ikinasa ng barko ng CCG.

 

 

Sinabi ni Tarriela na bukod sa banta sa kaligtasan ng mga tripulante ng PCG at mga supply boats, nilabag din ng aksyon ng barko ng CCG ang ilang internasyunal na batas sa karagatan.

 

 

Kabilang dito ang 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), ang 1972 Convention on the International Regulations for Preventing Collisions at Sea (COLREGS), at ang 2016 Arbitral Award.

 

 

“The PCG calls on the China Coast Guard to restrain its forces, respect the sovereign rights of the Philippines in its exclusive economic zone and continental shelf, refrain from hampering freedom of navigation, and take appropriate actions against the individuals involved in this unlawful incident,” saad pa ni Tarriela.

 

 

Nanawagan din siya sa CCG, na bilang isang organisasyon na may responsibilidad at obligasyon sa ilalim ng UNCLOS, COLREGs, at iba pang instrumento ng international maritime safety and security, na ihinto ang anumang iligal na aktibidad sa loob ng maritime zone ng Pilipinas.

 

 

Una nang sinabi na ipagpapatuloy nila ang pagsisiwalat sa mga aksyon ng China sa West Philippine Sea na isa umanong mabisang paraan para mabatid ng mundo ang mga iligal na aksyon nito at agresyon sa teritoryo.

 

 

Samantala, kinondena ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ginawang pagharang ng China Coast Guard sa kanilang chartered supply boat.

 

 

Sa pahayag ng AFP, bukod sa iligal na water cannon naging marahas ang hakbang ng China Coast Guard sa kanilang chartered supply boat.

 

 

Ayon sa AFP, hindi rin nirespeto ng CCG ang batas at karapatan sa paglalayag.

 

 

Hindi rin maaaring palagpasin ang karahasan ito kaya kailangan na gumawa ng ilang hakbangin ang pamahalaan.

 

 

Dahil dito, hindi na nakarating pa ang ikalawang bangka ng AFP na maghahatid ng mga suplay bilang bahagi ng rotation and resupply (RoRe) mission.

 

 

Umaasa ang AFP na papanagutin ng CCG at ng Central Military Commission ang mga responsable sa insidente. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Red flag’ itinaas ng DOH sa pagsirit ng COVID-19 cases

    Nakatakdang pulu­ngin ng Department of Health (DOH) ang mga opisyal ng iba’t ibang pagamutan sa Metro Manila matapos ang biglaang pagtaas muli ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon.     Inamin ni Philippine General Hospital spokesperson Jonas del Rosario na nakararanas sila ngayon ng “red flag” dahil sa pagsirit ng mga kaso sa maigsing panahon. […]

  • Pagsasapinal ng supply agreement na Johnson & Johnson, ilalatag na

    ISASAPINAL na ngayong araw ni Vaccine czar at Chief Implementer Carlito Galvez ang supply agreement sa Johnson & Johnson.   Makikipagpulong si Galvez sa Johnson & Johnson para plantsahin ang hakbang ng pamahalaan na makakuha din ng bakuna mula sa nasabing American vaccine manufacturer.   Maliban sa Johnson & Johnson’s ay tinatrabaho din ani Galvez […]

  • PBBM, hiniling sa Kongreso ang agarang pagpapasa sa 2024 General Appropriations Bill

    SINERTIPIKAHAN ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. bilang urgent ang House Bill No. 8980, o Fiscal Year 2024 General Appropriations Bill.     Layon nito na tiyakin na mapopondohan ang iba’t ibang programa at proyekto ng gobyerno sa susunod na taon.     “Pursuant to the provisions of Article VI, Section 26 (2) of the […]