• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MOA COMELEC AT MALLS PARA SA BSKE

LUMAGDA  na ng kasunduan ang Commission on Elections (Comelec) sa mga malls para sa paghahanda sa Barangay at Sangguniang Kabataang Election ngayong 2023.

 

 

 

Pinangunahan ni Comelec Chairman George Garcia at iba pang opisyal ng komisyon ang Memorandum of Agreement Signing sa SM City Manila kasama si SM Supermalls President Steven T.Tan.

 

 

Gayundin , magkakaroon na rin ng mall voting sa Robinsons mall kung saan kasama rin sa MOA signing si Faraday D.Go, ang Executive Vice-President ng Robinsons mall.

 

 

Maaalala na sinabi ng Comelec na planong magdaos ng mall voting sa 15 malls sa buong bansa para sa halalan sa Oktubre .

 

 

Kabilang sa mga piling malls ay sa Metro Manila, Region IV-A,  Region V at Region VII.

 

 

Binanggit ng Comelec  ang mga pakinabang ng paggamit ng mga mall bilang voting sites sa halip na mga silid-aralan, kabilang ang seguridad, pag-iwas sa pamamahagi ng mga sample ballot, at pag-iingat ng mga kagamitan sa paaralan. GENE ADSUARA

Other News
  • 16 milyong bakuna darating ngayong Hulyo

    May 16 milyong dose ng COVID-19 vaccine ang matatanggap ng Pilipinas ngayong buwan, ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles.     Habang sa Agosto naman makakatanggap ang bansa ng 14 milyong dose ng bakuna.     Sa Hulyo 14, mas marami pang doses ng Sinovac ang darating na gagamitin sa mga priority areas kabilang dito […]

  • PBBM, nanawagan na paigtingin ang pakikipagtulungan sa BIMP-EAGA

    NANAWAGAN si Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. na paigtingin ang pakikipagtulungan sa Brunei Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippines-East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA) para mas makasulong at umunlad pa ang rehiyon.     “BIMP-EAGA provides our common sub-region, which has long been impaired by strife, with better access to viable economic opportunities,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang interbensyon sa  15th […]

  • Ads March 30, 2022