P4.5 trilyong national budget pirmado na ni Duterte
- Published on December 29, 2020
- by @peoplesbalita
Nilagdaan na kahapon, Dec 28 ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P4.5 trilyon national budget para sa 2021.
Sumaksi sa paglagda ng 2021 General Appropriations Act ang ilang lider ng Senado at House of Representatives.
Nakapaloob din sa GAA ang alokasyon para sa COVID-19 vaccine na nagkakahalaga ng P72.5 bilyon.
Nasa P2.5 bilyon ng P72.5 bilyon ay nasa ilalim ng “programmed funds” ng Department of Health samantalang ang natitirang P70 bilyon ay nasa ilalim ng “unprogrammed funds” para sa Covid-19 vaccines kasama na ang pag-iimbakan at distribusyon.
Upang matiyak na matutugunan ang health care ng lahat ng Filipino, naglaan ng P71.4 bilyon para i-subsidize ang health insurance premiums ng 13 milyon na mga mahihirap na pamilya at pitong milyon na senior citizens.
Ang Human Resources para sa Health Program ay popondohan ng P16.6 bilyon para deployment ng doctors, nurses at iba pang health workers sa mga “disadvantaged communities” at national hospitals.
Sa pambansang pondo, pinakamalaki ang mapupunta sa Departments of Education (P708.18 bilyon), Public Works (P696.82 biyon), Health (P287.47 bilyon), Local Government (PHP247. bilyon), Defense (PHP205.47 bilyon), Social Welfare (P176.65 bilyon), Transportation (P87.44 bilyon), Agriculture (P68.62 bilyon), at Labor (P36.6 bilyon). (Daris Jose)
-
Ikinonek sa mga Pinoy, para maraming maka-relate: VINCE, nag-sorry sa pamilya Aquino dahil ‘di biopic ang ‘Ako Si Ninoy’
NATUTUNGHAYAN na ngayon (Feb. 22) sa mga sinehan ang ‘Ako Si Ninoy’ ng Philstagers Films, ang second musical film na sinulat at dinirek Vince Tañada pagkatapos ng ‘Katips’. Ang ‘Ako si Ninoy’ ay unang naging matagumpay na stage musical play bago ito isinalin sa pelikula at in-adjust para sa bagong henerasyon Hindi lang tungkol sa […]
-
Ads July 8, 2024
-
Nagmarka ang panalo ni Pringle kay Wright
Naging rekord bilang pinakamahigpitang labanan ang panalo ni Stanley Wayne Pringle, Jr. ng Barangay Ginebra San Miguel sa Best Player of the Conference nang kadaraos na Online 45th Philippine Basketball Association (PBA) Special Awards Night. Tinalo ng 33 taong-gulang na 6-1 ang taas na Filipino-American combo guard ng Gin Kings si Fil-Canadian Matthew […]