• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tinalakay ang karagdagang tulong para sa mga Bulakenyo, Kalihim ng DSWD, nakipagpulong kay Fernando

LUNGSOD NG MALOLOS – Nakipagpulong si Kalihim Rex Gatchalian ng Department of Social Welfare and Development kay Gobernador Daniel R. Fernando umaga ng Sabado sa DSWD Office sa Quezon City upang talakayin ang mga pangangailangan ng mga apektadong pamilya at iba pang tulong na maaaring ipagkaloob upang mapagaan ang kasalukuyang sitwasyon sa lalawigan.

 

 

Kabilang sa mga napagkasunduang tulong na ibibigay ang karagdagang relief goods at pagbibigay ng tulong pinansyal, kung kaya’t inaprubahan ang Emergency Cash Transfer (ECT) na ibibigay sa indigent population mula sa 17 bayan at apat na lungsod na lubog pa rin sa tubig baha.

 

 

Ang nasabing probisyon ng ECT ay mandato ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr., na nakatakdang bumisita sa lalawigan sa Lunes upang personal na alamin ang kasalukuyang sitwasyon ng Pampanga at Bulacan.

 

 

Upang matulungang matukoy ang mga benepisyaryo ng ECT, kailangang magsagawa ng agarang koordinasyon mula sa Municipal Social Welfare and Development Office patungo sa Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) hanggang sa DSWD Region 3.

 

 

Ipinahayag naman ni Fernando ang kaniyang pasasalamat kay PBBM at Gatchalian para sa kanilang napapanahong pagsuporta at pagtulong sa mga Bulakenyo.

 

 

“Nakakataba po ng puso na ang ating maagang pagbangon para dumalo sa isang pagpupulong ngayong araw ay naging mabunga sa tulong ng ating itinuturing na kalalawigan at may tunay na puso sa paglilingkod, ang aking kaibigang DSWD Sec. Rex Gatchalian. Bukod po sa relief goods, tayo ay pagkakalooban ng financial assistance sa lalong madaling panahon para sa mga labis na napinsala ng mga bagyo at pagbaha,” anang gobernador.

 

 

Dumalo rin sa pagpupulong sina Undersecretary Diana Rose S. Cajipe, MD, FPOGS, Assistant Secretary Marlon A. Alagao mula sa Disaster Response Management Group, Assistant Secretary Ulysses C Aguilar, PSWDO Head Rowena Joson-Tiongson at Provincial Information Officer Katrina Anne Bernardo-Balingit.

 

 

Samantala, ayon sa ulat na inihanda ni Provincial Agriculture Officer Ma. Gloria SF. Carrillo, nakapagtala ang Bulacan ng may kabuuang P244,410,675.71 halaga ng mga nasira sa agrikultura at palaisdaan habang inulat naman ni Provincial Veterinarian Dr. Voltaire G. Basinang na may P24,260,800.00 kabuuang halaga ang nasalanta sa livestock at poultry na dulot ng Habagat at mga Bagyong Egay at Falcon. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • Head coach ng PH women’s national football

    MANANATILI bilang coach ng Philippine women’s football team si Alen Stajcic.     Kinumpirma ito ng Philippine Football Federation (PFF) kung saan pumirma ang Australian coach ng kaniyang kontrata ng hanggang 2023 FIFA Women’s World Cup.     Sinabi ni Jefferson Cheng ang team manager ng women’s football team ng bansa na mahalaga ang magiging […]

  • Tiamzon mamumudmod ng mga bola’t net sa LuzVi

    MAMAMAHAGI ng bola at net ng volleyball bilang Pamasko  niya sa mga kabatan si Premier Volleyball League (PVL) star Nicole Anne Tiamzon sa ilang sa Luzon at Visayas.   Ito na ang huling proyekto ngayong taon ng ‘YSK Outreach ng Spike and Serve Philippines Incorporated’ na pinamumunuan mismo ng dalagang balibolista   Kaya nanawagan pa […]

  • SHARON, pinost ang photo nila ni GABBY kasama ang mga batang partner at game na sa balik-tambalan; hinihintay din si MARICEL na pumayag sa movie nila

    KAALIW na naman ang pinost ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang Instagram account na kung saan pinagtabi ang photo na kasama niya si Marco Gumabao para sa movie na Revirginized at si Gabby Concepcion na kasama naman si Sanya Lopez para sa GMA series na First Yaya.     Caption ni Mega, “And you, Kitina’s […]