75k trabaho sa mga Pinoy, nakaabang na sa ngayon- DOLE
- Published on August 10, 2023
- by @peoplesbalita
TINATAYANG nasa may 75,000 na mga potensiyal na trabaho ang naghihintay sa mga Filipino.
Bunga ito ng mga naging pagbiyahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa labas ng bansa.
Sinabi ni DOLE Secretary Bienvenido Laguesma sa press briefing sa Malakanyang na manggagaling ito sa sektor ng enerhiya kabilang na ang renewable energy.
Aniya, nagma-materialize na ang naging pakikipag- usap ng Pangulo sa mga pinuntahan nitong bansa.
Malaki aniya ang posibilidad na magbibit ito ng job generation sa mga manggagawang filipino.
Kabilang aniya rito ang mga bansang Germany, Singapore , Estados Unidos at The Netherlands na nagpahayag ng kanilang commitment para maglagak ng kanilang negosyo sa bansa.
Samantala, sa kasalukuyan, nakikipag -ugnayan na ang DOLE sa DTI at DOT ukol dito para matingnan din naman ang available manpower para sa naturang malaking job demand na naghihintay sa mga mamamayan. (Daris Jose)
-
Matapos na umani ng papuri sa ‘Linlang’: KAILA, masusubok naman ang galing sa historial film na ‘Pilak’
UMANI ng papuri si Kaila Estada bilang isang mahusay na aktres sa online/TV series na ‘Linlang’, and this time, sa isang pelikula naman masusubok ang kanyang galing. Sa historical film na kasalukuyang sinu-shoot ngayon na ‘Pilak’ ay unang beses na gaganap si Kaila sa isang dual role bilang babaeng nagpapanggap na lalaki. […]
-
Morale ng PNP, mataas pa rin kahit may isyu kay Nuezca
PLANO ng Philippine National Police (PNP) na palagiang magsagawa ng neuro examination sa kanilang hanay. Sa Laging Handa public press briefing ay sinabi ni PNP Spox PGen Ildebrandi Usana na posible na nila itong isagawa ngayon kada anim na buwan o kada isang taon. Aniya, layon nito na masuring mabuti ang behaviour ng isang pulis. […]
-
NUMERO sa COVID19, IPALIWANAG NANG MALAMAN ang KATOTOHANAN
Naglabas ng bagong numero ang Department of Health para sa date na Abril 18, 2021, tungkol sa COVID 19: New cases – 10, 098 Death – 150 RECOVERED – 72, 607 Sa kabuuan, ang kaso ng COVID 19 sa Pilipinas ay 936,133. Pero 779,084 dito ay gumaling at ang namatay ay 15,960. Kung ganun […]