• July 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Operasyon sa Manila North Port Passenger Terminal, balik operasyon na

BALIK NA muli sa normal ang operasyon ng Manila North Porth passenger Terminal ngayong araw.

 

 

 

Ito ay matapos alisin na ng mga otoridad ang itinaas na storm signal warning sa buong Metro Manila nang dahil pa rin sa pananalasa ng bagyong Egay sa bansa.

 

 

 

Sa ulat, aabot na sa mahigit 500 mga pasahero ang naitalang na-stranded sa naturang terminal nang dahil sa mga ipinatupad na kanselasyon ng mga biyahe nang dahil sa masamang lagay ng panahon.

 

 

 

Batay sa inilabas na abiso ng isang travel shipping line ay makakapag-accomodate na ito ng apat na trips ngayong araw — dalawang biyahe sa umaga at dalawang biyahe rin sa gabi.

 

 

 

Kaninang alas-8:00 ng umaga ay may biyahe ang naturang shipping line patungo sa mga lalawigan ng Dumaguete, Dipolog City at Zamboanga

 

 

 

Bandang alas-9:00am ang naging kasunod na biyahe nito patungong Cebu at Butuan.

Other News
  • Ads October 2, 2023

  • Empress, officially engaged na sa ama ng anak na si Vino Guingona

    SIGURO nga, kapag artista ka at lalo na yung passionate talaga sa pag-arte, parang kakambal na nila ang trabaho.   Kaya aminado ang Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza na sobrang na-miss daw niyang umarte.   Pagkatapos ngang ma-lockdown ng mahigit anim na buwan, kaka- resume lang nila ng taping para sa primetime series […]

  • Alamin: Sinu-sinong immunocompromise ang prayoridad sa 3rd dose ng COVID vaccine?

    Inilabas ng Department of Health (DOH) ang listahan ng mga immunocompromised conditions na bibigyan ng prayoridad sa pagkuha ng pangatlong doses ng bakuna laban sa COVID-19.       Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang listahan ng mga immunocompromised conditions ay pinagtibay mula sa rekomendasyon ng World Health Organization’s Strategic Group of Experts […]