• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Presyo, supply ng noche buena items, ‘stable’ – DTI

Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na sapat ang supply ng noche buena items at mga pangunahing bilihin hanggang ikalawang quarter ng susunod na taon.

 

Pagtitiyak ito ni Trade Undersecretary Ruth Castelo sa harap ng pagkukumahog ngayon ng publiko na humabol mamili ng handa para sa Pasko at Bagong Taon.

 

Sinabi ni Usec. Castelo, wala ring pagtaas sa presyo ng noche buena products at ang iiral ay ang 2019 na presyo pa rin.

 

Ayon kay Usec. Castelo, pinapayuhan nila ang publiko na sa mga grocery stores at supermarkets mamili dahil umiiral dito ang suggested retail price (SRP).

 

Hindi na kasi umano saklaw ng DTI ang presyo sa mga convenient stores at mga sari-sari stores dahil nakailang salin na ang mga produkto rito kaya karaniwan talagang may mataas na silang presyo.

 

Sa mga negosyante naman umanong nagsasamantala sa presyo ng mga pangunahing bilihin, hinikayat ni Usec. Castelo ang publiko na isumbong agad ito sa kanilang consumer hotline na 1384 para maisyuhan agad nila ng letter of inquiry.

 

Inihayag ni Usec. Castelo na kapag nabigong makapagpaliwanag ang mga negosyante at hindi ibinalik sa dating presyo ang mga pangunahing bilihin o prime commodities, saka nila ito kakasuhan na may katumbas na multa at parusang pagkakakulong.

Other News
  • Duterte, inanunsiyo ang mga holidays sa 2022

    Maagang inanunsyo ngayon ng Malacañang ang inaprubahan ng Pangulong Rodrigo Duterte na mga holidays at special workings para sa taong 2022     Ito ay batay sa Proclamation No. 1236 na pirmado ng pangulo na nagtataksa sa mga regular holidays, non-working days, at special working days sa susunod na taon.     “Whereas, for the […]

  • Supporters nina VP LENI at Sen. KIKO, nananawagan na idagdag si MONSOUR sa ‘Tropang Angat’ senatorial slate

    NANANAWAGAN ang supporters nina VP Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan sa Twitter at iba pang social media channels na ipalit si Monsour Del Rosario sa nabakanteng ika-12 puwesto, dahil sa pagkatanggal kay Migz Zuburi sa opisyal na senatorial slate.     Si Del Rosario ay miyembro ng ‘Partido Reporma’, ngunit kamakailan ay napukaw niya […]

  • Tautuaa, Gilas ‘Pinas 3×3 babatak sa ‘Calambubble’

    UUMPISAHAN na sa darating ng Linggo ng Gilas Pilipinas national men’s 3×3 basketball  team ang ‘Calambubble’ training camp sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna  bilang preparasyon sa International Basketball  Federation Olympic (FIBA) Qualifying Tournament sa Mayo 26-30 sa Graz, Austria.     Magpapatikas ng porma sina Philippine Basketball Association (PBA) stars Moala ‘Mo’ Tautuaa […]