• December 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Makakasama si John bilang ama niya: PAOLO, gaganap na gay martial arts fighter sa ‘Fuchsia Libre’

MAY bagong pelikulang gagawin ang Kapuso TV host-actor na si Paolo Contis, kasama ang batikang aktor na si John Arcilla.

 

 

Sa Chika Minute report sa GMA News “24 Oras”nitong Lunes, sinabing isang gay martial arts fighter ang magiging role ni Paolo sa pelikulang may pamagat na ‘Fuchsia Libre’.

 

 

Wala pang ibang detalye na ibinigay tungkol sa naturang movie. Pero sa isang ulat ng PEP.ph na sinulat ni Gorgy Rula sinabing mag-ama ang magiging role nina Paolo at John.

 

 

Gustong-gusto raw ni Paolo ang naturang movie project dahil sa Pilipinas lang ito gagawin at malapit pa sa studio ng “Eat Bulaga,” kung saan isa siya sa mga host ng nootime show.

 

 

Gaya ng iba pang movie projects ni Paolo, ang Mavx Productions din ang magpu-produce ng ‘Fuchsia Libre’.

 

 

Ang iba pang pelikula ni Paolo na kaniyang ginawa o ginagawa pa ay ang “Ang Pangarap Kong Oskars,” kasama si Joross Gamboa.

 

 

Samantala sa movie sa “Tasmania” na kinunan ang ilang bahagi sa abroad, kasama ang kaniyang mga “Tabing-Ilog” co-stars na sina Patrick Garcia at Kaye Abad.

 

 

***

 

 

HINDI raw nag-ambisyon kahit kailan si Christian Vasquez na maging isang pulitiko.

 

 

Pero may mga nag-alok na raw sa kanya na tumakbo bilang public official pero tinanggihan niya.

 

 

“Pero parang hindi lang siya para sa akin, siguro.”

 

 

Bilang konsehal sa probinsiya nila sa Bacolod ang inialok dati kay Christian.

 

 

“Sa tingin ko hindi ko siya matatrabaho ng maayos kasi… iba siguro yung hilig ko. Parang ang politics is hindi e, hindi talaga.

 

 

“Kasi nakikita ko yung trabaho nila, mahirap e, so parang mahirap tanggapin yung isang bagay pag hindi naman buo yung puso mo.”

 

 

Nagsasalita ng tapos si Christian, hindi niya papasukin ang mundo ng pulitika.

 

 

Para lamang raw siya sa mundo ng showbiz; sa katunayan ay kasalukuyang napapanood si Christian bilang si Zambojil sa ‘Voltes V: Legacy’ ng GMA-7 na umaariba sa ratings.

 

 

Kasa marin si Christian sa cast ng ‘KUYA: The Gov. Edwin Jubahib Story’ na isang biopic feature film na pagbibidahan ng award-winning actor na si Richard Quan at tungkol sa buhay ni Governor Edwin Jubahib ng Davao Del Norte at sa direksyon ni Francis “Jun” Posadas.

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Kongreso tutulong sa PSC

    HANDA ang Congress Committee on Youth and Sports Development na suportahan ang Philippine Sports Commission (PSC) sa hihinging P182M badyet para sa kampanya ng bansa sa 32nd Summer  Olympic Games 2021 sa Topkyo, Japan.   Base ito sa committee regular meeting nitong Miyerkoles na ginanap sa House of Representatives sa Quezon City.   Inesplika ni PSC […]

  • Sa 38th Star Awards for Movies: CHARO at SUNSHINE, nag-tie sa Best Actress at si VINCE ang Best Actor

    MANINGING at matagumpay ang 38th Star Awards for Movies ng The Philippine Movie Press Club, Inc. (PMPC) na ginanap nitong Linggo, Hulyo 16, 2023, sa Centennial Hall ng Manila Hotel.   Nakipag-sanib-pwersa ngayong taon ang PMPC sa Gutierez Celebrities & Media Production na pinamumunuan ni MJ Gutierez para ihatid ang modern Filipiniana theme ng naturang […]

  • BINISITA at kinamusta ni Mayor John Rey Tiangco

    BINISITA at kinamusta ni Mayor John Rey Tiangco, kasama ang ibang pang mga opsiyal ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang mga pamilyang naapektuhan ng sunog na karamihan ay pansamantalang nanunuluyan sa basketball court ng Tanza National High School. Nagbigay din si Mayor Tiangco at Cong. Toby Tiangco ng tulong pinansyal sa mga nasunugan, pati na […]