• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COA , natuklasan ang 3,707 OFWs na makailang ulit na gumamit ng emergency repatriation

TINATAYANG 4,000 overseas Filipino workers (OFWs) ang gumamit  ng libreng  byahe pabalik ng Pinas hindi lamang isang beses kundi limang beses  sa kasagsagan ng  COVID-19 pandemic.

 

 

Hiniling ng Commission on Audit (COA)  sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na ipaliwanag kung paano ang 3,707 OFWs ay gumamit ng makailang ulit na emergency repatriation program sa pagitan ng April 2020 hanggang May 2022.

 

 

Ang OFWs  na nakalista  bilang “in distress,” ay nakakuha ng “free accommodation, meals, at sakay sa kani-kanilang destinasyon.”

 

 

“Overseas Filipino in distress is defined as those who have “medical, psycho-social, or legal problem requiring treatment, counseling, or legal representation” under the Migrant Workers And Overseas Filipinos Act of 1995,” ayon sa ulat.

 

 

“It appeared that the repatriation program was utilized by these OFWs for their regular trips back home after their contracts expired and not from distress as can be gleaned by the number of times these OFWs availed of the program,” ayon sa COA.

 

 

Idinagdag pa ng komisyon na ang “improper evaluation” ng mga OFWs  na ito “depleted scarce government resources” at “exhausted funds”  na dapat  gamitin para sa “eligible OFWs in distress.”

 

 

Natunton ng COA ang  3,707 OFWs sa Northern Mindanao, subalit sinabi ng  regional office ng OWWA na tinanggap lamang nila at inasikaso ang mga OFWs matapos makatanggap ng komunikasyon mula sa central office.

 

 

Samantala, tiniyak naman ng OWWA Northern Mindanao, sa COA na kokonsultahin nito ang central office para masiguro na ang emergency repatriation ay iginugol sa mga eligible. (Daris Jose)

Other News
  • SUNSHINE, ‘di kataka-taka kung pasukin na rin ang pagdidirek

    MARAMING humanga sa Instagram post ni Director Mark Reyes: “My associate director and co-producer for #bnbthebattleofbrodyanandbrandy @m_sunshinedizon hard at work planning for our first day shoot.”   Nakaka-bilib naman talaga si Sunshine Dizon, isang mahusay na actress, kaya hindi kataka-taka kung pasukin na niya ngayon ang pagdidirek.   Siguradong marami na siyang natutunan sa showbiz […]

  • TABLET NA BINIGAY NG QC GOVERNMENT BUKING NA GINAGAMIT SA ONLINE SUGAL

    PINAIIMBESTIGAHAN na ng Quezon City government kung paano nagagamit sa online sabong ang mga tablet na ipinamigay ng lokal na pamahalaan.     Dismayado ngayon si QC Mayor Joy Belmonte dahil ayon sa kanya ay  inilaan sa pag-aaral ang mga ito ngunit napupunta sa sugal. Para umano sa mga bata ito at dapat manatili na gamitin para lamang […]

  • ‘Oil price hike, posible pang pumalo sa P12 ang dagdag sa kada litro next week’

    POSIBLE pang makaranas ng mas matinding taas presyo sa produktong petrolyo sa bagong round nito sa darating na linggo.     Ito ay matapos ang pag-arangkada ng kasalukuyang pinakamataas na dagdag-presyo sa langis ngayong linggo.     Batay kasi sa datos na nakalap ng mga kinuukulan, posible pang tumaas sa P12.72 ang kada litro ng […]