• March 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SUNSHINE, ‘di kataka-taka kung pasukin na rin ang pagdidirek

MARAMING humanga sa Instagram post ni Director Mark Reyes: “My associate director and co-producer for #bnbthebattleofbrodyanandbrandy @m_sunshinedizon hard at work planning for our first day shoot.”

 

Nakaka-bilib naman talaga si Sunshine Dizon, isang mahusay na actress, kaya hindi kataka-taka kung pasukin na niya ngayon ang pagdidirek.

 

Siguradong marami na siyang natutunan sa showbiz dahil nagsimula siyang isang child actress noon pang 1987. Hindi na rin mabilang ang mga acting awards na natanggap niya at more than 50 movies and TV projects na ang nagawa niya.

 

Si Direk Mark ang nagdirek sa simula pa ng epic series na Encantadia na gumanap na mga unang Sang’gre sina Iza Calzado, Sunshine, Diana Zubiri at Karylle, at binuo ni Direk Mark ang Sang’gre Productions Inc. na sila ang mga producers.  Nakagawa na sila ng isang movie, ang Mystified na ipinalabas sa ilang selected theaters then sa Iflix.

 

Kaya ngayon, tamang-tamang tapos na ang lock-in taping ni Sunshine ng Magkaagaw ng GMA-7 na muling magbabalik sa January 18, kaya libre na siyang mag-shoot as associate director ni Direk Mark.

 

Pinost nila nang magpa-swab test sila sa Philippine General Hospital at ngayon, naka-lock-in taping na sila sa Hacienda Isabella sa Indang, Cavite, na pag-aari ni Kuh Ledesma. 

 

Ang eight episode series ay gagampanan nina Iza Calzado, Ian Veneracion, Lovely Abella, Ketsup Eusebio, Ian Ignacio, at Emmanuel Levera.  It will stream sa WeTVOriginal this 2021.

 

Mukhang malalaking project ang gagawin ni Direk Mark this year, dahil ready na rin siya sa nalalapit na pagti-taping nila ng Voltes V na matagal nang hinihintay ng mga fans kung kailan nila mapapanood. (NORA V. CALDERON)

Other News
  • SMC itutuloy ang paglalagay ng BRT system sa Skyway 3

    Itutuloy ng San Miguel Corp. (SMC) ang planong paglalagay ng bus rapid system (BRT) sa kahabaan ng elevated Skyway Stage 3 expressway.     Ngayon tapos na ang proyektong Skyway Stage 3, sinabi ng SMC na pursigudo silang ituloy ang planong paglalagay ng BRT upang mas gumanda ang paglalakbay at masuportuhan ang tuloy-tuloy na daloy […]

  • Higit P100K droga, nasabat sa 4 na tulak sa Navotas

    BAGSAK sa kulungan ang apat na hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyong halaga ng shabu nang malambat sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Navotas City.       Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Navotas police chief […]

  • 2 laborer arestado sa P56-K shabu

    DALAWANG laborer ang arestado matapos makuhanan ng nasa P56, 540 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.   Kinilala ni Malabon Police Chief Jessie Tamayao ang naarestong mga suspek na si Ronaldo Jacinto, 43 ng Blk 27, Lot 70, Phase 2, Area 1 Brgy. Nbbs, Navotas City […]