• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Habang naghihintay sila ng kidney donor: YASMIEN, biglang bumili ng bahay para malapit sa maysakit na ina

SABI namin kay Yasmien Kurdi, siguradong pakikinggan ng Diyos ang dasal niya at ibi-bless siya dahil mabuti siyang anak, asawa at magulang.  

 

 

Sa ngayon kasi, naghihintay raw sila para sa magiging donor ng kidney ng kanyang ina at para makapag-undergo ito ng transplant.

 

 

Kuwento rin ni Yasmien, matagal na raw niyang niyayaya ang Mama niya na sa bahay na nila tumira. Nasa South si Yasmien habang ang Mama naman niya ay sa Quezon City, pero, ayaw raw talaga nitong pumayag. Mas gusto na nasa sariling bahay.

 

 

“Ang mommy ko naman, niyayaya kong tumira sa house ko noon pa. Pero parang mas gusto niya ng privacy.  Ayaw niyang sumama. Sabi ko, ‘Mama paano ‘yan, ‘pag may emergency ka, paano kita dadalhin sa ospital’?

 

 

“Kaya biglaan, nabilhan ko siya ng bahay na katabi lang ng bahay ko. Surprise ko ‘yan sa kanya. Titira rin doon ang lola ko na 80 years old, at cousin ko na nasa amin na since 2 years old. I’m really happy kasi, malapit na sila sa akin.  Palagi ko silang paglulutuan.”

 

 

Sa ngayon daw, nagti-treatment ang mama niya at umaasa nga ito na sana raw ay makahanap sila para sa transplant. Pero hindi nakalimutang pasalamatan ni Yasmien ang kanyang network, ang GMA-7.

 

 

Aniya, “It’s a big struggle. Sacrifice siya. At na-appreciate ko ang GMA, kasi hindi nila ako binigyan ng schedule kaya ko naalagaan ang mom ko sa hospital. 

 

 

“Gusto ko rin magpasalamat kay Miss Betchay Vidanes, gusto raw tumulong ni Senator Robin Padilla sa mga bill sa hospital.  Pero sayang, kasi nabayaran na namin, nakalabas na siya.

 

 

“Pero, I really appreciate the love, the concern.  And thankful ako sa mga ginagawa nila sa amin.”

 

 

Sa isang banda, si Yasmien ang bidang babae sa bagong GMA Afternoon Prime na magsisimula sa Lunes, August 28, ang ‘The Missing Husband’ kunsaan, katambal niya si Rocco Nacino.  

 

 

May mga eksena rito na talagang kinuhanan nila sa Dubai at ang tema rin ay talagang napapanahon.

 

 

Kasama rin nila rito sina Nadine Samonte, Joross Gamboa at Jak Roberto.

 

 

***

 

 

NAGBABALIK sa telebisyon ang hindi pa man uso sa mga content ng mga influencers at vlogger ngayon, ay namamayagpag na sa pagpapa-prank, ang “Wow Mali: Doble Tama.”

 

 

Doble ang katatawanan, doble ang kalokohan, at doble ang kasiyahang hatid sa grand comeback ng longest-running at multi-awarded prank show ng bansa sa mas pinalakas na “Wow Mali: Doble Tama,” simula ngayong August 26 at tuwing Sabado, 6:15 PM sa TV5 at 7:00 PM sa BuKo Channel.

 

 

Taong 1996 pa nang una itong makilala with Joey de Leon as host. Naging instant hit ang mga kuwelang “candid camera” pranks ng programa at naging naging household term na ang “Wow Mali” sa mga Pinoy.

 

 

Ngayong Agosto, magbabalik ang legacy show na ito ng TV5 para muling maghatid ng kakulitan, kalokohan at katuwaan sa “Wow Mali: Doble Tama,” sa pangununa ng kilalang comic duo na sina Jose Manalo at Wally Bayola bilang mga bagong prankmasters ng programa.

 

 

Co-produced ng APT Entertainment at Cignal TV para sa TV5, ang “Wow Mali: Doble Tama” ay magbibigay ng times two na kasiyahan at sorpresa sa hatid nitong new-generation humor, nakakatawang segments, at kaabang-abang na parodies! Huwag palampasin at “maki-CSL (Can’t Stop Laughing)” 

 

 

Para sa mga behind-the-scenes, sneak peeks o nakakatawang clips at interactive content ng “Wow Mali: Doble Tama,” i-follow lamang ang social media pages ng TV5.

 

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Australian gov’t nagpatupad ng national emergency sa 2 estado nito dahil sa malawakang pagbaha

    IDINEKLARA  ni Australian Prime Minister Scott Morrison ang national emergency ang dalawang estado nito dahil sa patuloy na pagbuhos ng malalakas na pag-ulan.     Umabot na kasi sa 20 katao ang nasawi sa matinding pagbaha sa New South Wales (NSW) at Queensland.     Maraming kabahayan na rin ang nalubog sa baha kung saan […]

  • Pag-agos ng lava flow, nagsimula na sa Mayon

    NAGSIMULA na ang lava flow activity mula sa crater summit ng Bulkang Mayon, batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).     Bukod dito, nakapagtala rin ang bulkan ng 21 volcanic earthquakes, 260 rockfall events at tatlong pyroclastic density current events sa nakalipas na 24 oras.     Ayon sa Phivolcs, […]

  • Malakanyang, nangako sa LGUs na agad na ipamamahagi ang milyong doses ng bakuna kontra Covid-19

    NANGAKO si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na agad na ipamamahagi sa local government units ang milyong doses ng COVID-19 vaccines.   Ang pahayag na ito ni Pangulong Duterte ay sa gitna ng naging panawagan ni vaccines czar Secretary Carlito Galvez ng mataas na demand para sa bakuna sa hanay ng LGUs at sa limitadong ‘shelf […]