• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Binigyan ng second chance pero walang pagbabago: JENNICA, tuloy ang pag-file para ma-annul ang kasal nila ni ALWYN

TULOY na ang pag-file ni Jennica Garcia para ma-annul ang kasal nila ng kanyang estranged husband na si Alwyn Uytingco.

 

 

 

Mas makabubuti raw ang annulment para tuluyan na silang maging malaya sa isa’t isa dahil wala na raw talagang balikan na maasahan sa kanilang dalawa.

 

 

 

Binigyan daw ni Jennica ng second chance noon pa si Alwyn, pero wala raw talagang nangyaring pagbabago.

 

 

 

Kinasal ang dalawa noong 2014 at naghiwalay noong 2021.

 

 

 

Three years nang hindi na ginagamit ni Jennica ang married name niya na Uytingco. Pero naging maingat si Jennica na magsalita ng hindi maganda tungkol kay Alwyn dahil sa kanilang dalawang anak na sina Mori at Alessi.

 

 

 

Pinabulaanan naman ni Jennica na ang reason ng pagpapa-annul niya ay dahil sa namumuong pagtitinginan daw nila ni Christian Bables na nagsimula sa teleserye na ‘Dirty Linen’.

 

 

 

Diin ni Jennica: “Wala po talagang romantic na dating or anything like that between me and Christian.”

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • PBBM sa ‘BAGONG PILIPINO’ : ipagdiwang ang pagmamahal sa sarili sa Araw ng mga Puso

    IPAGDIWANG ang pagmamahal sa sarili ang “friendly reminder” ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga “Bagong Pilipino” ngayong nalalapit na ang Araw ng mga Puso.     Sa short video message ng Chief Executive sa kanyang  official Instagram account, sinabi ni Pangulong Marcos na alam ng mga “Bagong Pilipino”  kung paano pangangalagaan ang kanilang sarili. […]

  • MM, mahihirapan ng manatili sa ilalim ng MECQ-Sec. Roque

    SINABI ni Presidential spokesperson Harry Roque na mahihirapan ng manatili sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (mecq) ang Metro Manila pagkatapos ng Agosto 18. Ito’y dahil, patuloy na nauubos na ang resources ng pamahalaan para tugunan ang coronavirus pandemic. “The government no longer has resources to provide aid to poor families in the capital […]

  • Malakanyang, bukas na magpatawag ng special session kung kinakailangan

    BUKAS ang Malakanyang na magpatawag ng special session ang dalawang Kapulungan ng Kongreso para masiguro na maipapasa ang 2021 national budget sa tamang oras.   Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na maaaring hilingin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Senado at Mababang Kapulungan ng Kongreso na mag- convene sa isang special session matapos ang […]